What's Hot

Chynna Ortaleza at Jennica Uytingco, aminadong "OA" bilang mommies

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 5:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pagbisita ng mga young moms na sina Chynna at Jennica sa Sarap Diva nitong Sabado (August 13), inamin nila na sila ay mga over acting / over achiever moms pagdating sa kanilang mga anak.


Sa pagbisita ng mga young moms na sina Chynna Ortaleza at Jennica Uytingco sa Sarap Diva nitong Sabado (August 13), inamin nila na sila ay mga OA or over acting / over achiever moms pagdating sa kanilang mga anak.

'Sarap Diva's' kuwentuhang nanay with Chynna Ortaleza and Jennica Uytingco

"Feeling ko lahat ng mommy OA." pagsisimula ni Chynna.

Ibinahagi ni Chynna ang kanyang dahilan kung bakit niya sinasabing OA siya sa pagiging mommy sa kanyang anak na si Stellar.

Aniya, "Hindi na maganda ang pagka-OA ko na umabot sa point na pati 'yung mommy ko kini-question ko na. Inaako ko siya lahat, ganoon 'yung pagka-OA ko."

"May positive side and negative side siya pero pretty much ganoon 'yung mga nangyayari sa akin." pagtatapos ni Chynna.

Sumunod namang nag-explain ng reason sa pagiging OA mom si Jennica. Aniya, "Sa toys siguro very particular ako with natural toys. I don't allow plastic inside the home."

Ayon kay Jennica, ito ay dahil ayaw niya lamang na nao-over stimulate ang kanyang anak na si Athena Mori.

"Ayoko lang na nao-over stimulate siya 'cause I noticed na kapag medyo maingay 'yung toy and sobrang colorful din sa kanya madali siyang mairita. Tapos magiging cranky siya. Mahihirapan din ako kasi kaming dalawa lang sa bahay."

MORE ON CHYNNA ORTALEZA AND JENNICA UYTINGCO:

Chynna Ortaleza and Kean Cipriano celebrate baby Stellar Cipriano's christening

Alwyn Uytingco and Jennica Garcia's daughter turns one