What's Hot

Chynna Ortaleza, gustong magsulat ng istorya para sa GMA

By Maine Aquino
Published January 30, 2018 7:16 PM PHT
Updated January 30, 2018 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Kamakailan ay nag-attend pala ng isang screenwriting workshop ang aktres na itinuro ng kilalang beteranong manunulat na si Ricky Lee. 

Sa pag-renew ni Chynna Ortaleza ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center, kanyang ibinahagi ang isa sa kanyang proyektong gustong gawin bilang isang Kapuso talent.

Chynna Ortaleza on renewing contract with GMA: "I don't think I'll go anywhere else"

Kuwento ni Chynna, sumali siya screenwriting workshop ng kilalang manunulat na si Ricky Lee para madagdagan ang kanyang kaalaman bilang artista at para makapag-contribute sa Kapuso network.

"It's been a fruitful experience kasi ever since talaga mahilig akong magsulat. It's just that hindi lang ako matapang na talagang pasukin 'yun at kilalanin ang sarili ng at a deeper level kumbaga. Now that I'm actually starting with a creative writing class, wala lang feeling ko wow! 'Yung possibilities talaga para sa isang tao ay endless kung gusto mo talagang matuto ng bagong bagay at hasain ang sarili mo."

 

From Diary Ni Mang Frank to Sexbots! I'm in pretty damn good company. #rickyleebatch18 #1nfn8

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

 

Dagdag pa ni Chynna, bukod sa kanyang mga TV projects tulad ng Idol sa Kusina, nais niyang makapag-trabaho behind the camera para matutunan ang iba't-ibang proseso ng pagbuo ng isang TV show. "Gusto ko matutunan kung paano magsulat at makagawa ng story from scratch. Kasi feeling ko lang it makes you a more well-rounded and understanding actor if you know what everybody goes through. 'Yung hirap na pinagdadaanan at 'yung development stage ng isang show. Mas rerespetuhin mo 'yung ginagawa mo pagkatapos."

Ibinahagi rin ni Chynna na nais niyang makabuo ng sarili niyang konsepto na puwedeng ipalabas sa GMA. 

Saad niya, "Hopefully one of these days I will be able to create a story for GMA or maybe for GMA Films or maybe for soap operas."