GMA Logo Kean Cipriano and Chynna Ortaleza
Source: kean/IG
What's on TV

Chynna Ortaleza, miss na nga ba ang pag-arte?

By Kristian Eric Javier
Published December 19, 2025 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
ONE Fight Night 40: Jackie Buntan set to defend title in rematch vs. Stella Hemetsberger
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Kean Cipriano and Chynna Ortaleza


Papayagan ba ni Kean Cipriano na bumalik sa pag-arte ang asawang si Chynna Ortaleza?

Isa si Chynna Ortaleza sa mga brilliant actor na bumida sa maraming serye at pelikula ng GMA. May ilang taon na rin nang huling gumawa ng proyekto ang aktres ngunit ayon sa asawa nitong si Kean Cipriano, na-e-enjoy naman ito sa ginagawa ngayon.

Taong 2018 nang huling gumawa ng proyekto si Chynna nang bumida siya sa action fantasy series na Victor Magtanggol at sa drama romance anthology series na Wagas. Taong 2023 naman nang bumalik siya sa paggawa ng serye sa action drama series na Black Rider.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda si Chynna kay Kean at tinanong kung sinadya ba ng aktres na huwag lumabas sa mga proyekto.

“Yes, yes po, Tito. Mas naka-focus na po siya du'n sa aming entertainmet company, 'yung O/C Records, 'yung recording and management. So na-e-enjoy niya 'yung back end,” sabi ni Kean.

Pagbabahagi ni Kean, tinatanong naman niya si Chynna kung gusto ba nito bumalik sa pag-arte. Ngunit sabi ng singer-actor, nasa stage pa ngayon ang asawa kung saan hinahanap at mas kinikilala pa nito ang sarili.

“Hindi siya nagpapadala du'n sa pressure na 'Ay kailangan may gawin ako para masabi ko na ito 'yung value ko.' Parang masaya siya na maging nanay. 'Yun 'yung huli niyang sinabi sa 'kin, masaya siyang maging nanay,” sabi ni Kean.

Pagpapatuloy ng singer-actor, “Pero, kung meron daw materyal o pelikula na maka-capture siya, walang atubili gagawin daw niya.”

TINGNAN ANG RENEWAL OF VOWS NINA KEAN AT CHYNNA SA KANILANG IKA-10 ANIBERSARYO SA GALLERY NA ITO:

Samantala, kamakailan lang ay pinagdiwang nina Kean at Chynna ang kanilang ika-10 anibersaryo. Sabi ng singer-actor, masarap sa kanilang pakiramdam na umabot sila ng 10 taon.

“Ang sarap din sabihin na isang dekada ko kasama itong tao na 'to. Hindi rin naman siya perpekto, may mga high times, may mga low times, may mga challenges din and all, but the fact na magkasama kami pa rin at humihinga at nagmamahalan, 'yun 'yung pinakamagandang blessing sa akin,” sabi ni Kean.

Panoorin ang panayam kina Kean at Rocco Nacino rito: