What's Hot

Chynna Ortaleza on being a wife and mother: "'Yun 'yung joy talaga"

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 12:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

9 alleged ex-terrorists surrender in Maguindanao del Norte
US Homeland Security orders pause of DV1 visa program
Pop Mart opens first permanent PH store

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang namana ni Baby Stellar mula sa kanyang ina na si Chynna?


Kitang kita ang saya ni Chynna Ortaleza matapos niyang ibahagi ang update sa kanyang pagiging ina kay Stellar at asawa kay Kean Cipriano. Ito ay kanyang inilahad nang siya ay nag-guest nitong Linggo, November 20, sa Idol sa Kusina.

Kuwento ni Chynna, "Stellar is six months, so masaya na siyang kasama kasi alam mo 'yung napaglalaruan mo na talaga, tapos sobrang curious na niya."

Kay Chynna umano nagmana ang anak nila ni Kean. Ito ay kanyang napatunayan dahil sa isang katangian ng Kapuso star. Aniya, "Ang anak ko mahilig maglamyerda, mars. Layas mana sa nanay, mall rat. Mahilig talaga siya 'pag lumalabas siya ganyan tapos nakakakita siya ng tao, 'yun padyak siya ng padyak. Sobrang happy niya."

Ipinahayag rin ni Chynna ang saya na naidulot ng pagiging asawa at isang ina.

 

A photo posted by Kean Cipriano (@keanedward) on


"Nag-e-enjoy ako ng todo. As in talagang iba rin naman pala talaga. 'Yun 'yung joy talaga, mars. Iba rin. Kaya sobrang thankful ako na 'Uy nabigyan ako ng blessing na ganun. Kasi akala ko talaga guys wala na." 

Nagbigay naman ng advice si Chynna na huwag mawalan ng pag-asa dahil darating rin ang nararapat para sa iyo.

Aniya, "Kung may nakaka-relate doon sa mga audience, do not give up. Do not give up hope, everybody!"

MORE ON CHYNNA ORTALEZA: 

Chynna Ortaleza at Chef Boy Logro, may love advice kay Bettinna Carlos

Chynna Ortaleza and Kean Cipriano celebrate their first anniversary

IN PHOTOS: Chynna Ortaleza's baby shower