What's Hot

Chynna Ortaleza on Kean Cipriano: 'Steady lang kami'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 1:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rains to prevail on Christmas Day
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



May aaminin na nga ba sa atin ang 'The Rich Man's Daughter' star?
By MICHELLE CALIGAN
 
Sa pictorial pa lamang ng The Rich Man's Daughter ay nali-link na si Chynna Ortaleza sa Callalily frontman na si Kean Cipriano. Ayon sa mga bali-balita, may nakakita sa kanila umano na very sweet sa isa't-isa habang nasa isang beach sa Zambales during Holy Week.
 
 

A photo posted by Kean Cipriano (@keanedward) on


"Pumunta kami doon with friends kasi into filmmaking kami ngayon. Last naming natapos was a music video for 6CycleMind, nag-AD (Assistant Director) ako sa kanya," paliwanag ni Chynna.
 
Aniya, isa rin sa kanyang pegs bilang Batchi ang singer. "Alam mo, nakakatawa nga kasi kumbaga isa rin 'yan sa mga kaibigan ko na chini-check ko kasi 'di ba, parang ano siya, rock star. Tinitingnan ko kung paano siya gumalaw din, ino-observe ko siya."
 
Ano nga ba ang status ng kanilang relationship?
 
 

Dre! Ang kaakibat ko sa #PogiProblems Jerome at Batchi ???? by: @tatsiballs

A photo posted by Chynna Ortaleza (@chynsortaleza) on

 
"Steady lang kami. Steady lang kami niyan ni Kean. Masaya lang kami na magkasama. I'll go with the flow. Kahit naman sa ibang tao na nagpapahiwatig, sige friends tayo."
 
READ: Chynna's message to her admirers
 
Galing sa isang 10-year relationship si Chynna, kaya ayaw raw niya munang mag-commit with anyone sa ngayon.
 
"Kasi ngayon lang naman talaga, sa totoo lang, na naging single ako. Antagal ko kasing in a relationship eh. Parang feeling ko ngayon ko lang na-e-explore 'yung buhay ko."