
Labis ang kasiyahan ng celebrity mom na si Chynna Ortaleza sa pagdating ng bouncing baby boy nila ng kanyang hubby na si Kean Cipriano.
Chynna Ortaleza gives birth to a bouncing baby boy!
Nanganak si Chynna nito lamang Miyerkules, September 25.
Sa Instagram post niya ngayong Sabado, September 28, ibinahagi niya na sulit ang puyat at pagod para kay Salem.
“While waiting for the morning sun to come.
“Been up all night with Salem. Been thinking a lot.. and overcome with gratitude. Thank you Lord for family, friends & everyday miracles.”
Masaya naman ang kapwa niya mommies na sina LJ Reyes at Nadine Samonte sa bagong blessing na dumating sa buhay ng kanilang kaibigan.
May panganay na anak sina Chynna at Kean na pinangalanan nilang Stellar.