
May nakakakilig na post muli ang long-time Kapuso talent na si Chynna Ortaleza kung bakit match sila ng kanyang asawa na si Callalily vocalist Kean Cipriano.
Una munang nagdaos ng civil wedding taong 2015 ang Cipriano couple. Ginanap naman ang kanilang church wedding nila sa Parish of Hearts of Jesus and Mary noong November 2017.
Sa Instagram post ni Chynna sinabi nito na nagagawa siya patawanin ni Kean kahit aminado siya na masungit.
Aniya, “Sure na sure ako inasar na naman ako dito ni Kean!
“Alam mo kung bakit alam ko meant to be kami? Kasi napapatawa niya ako.. si Miss Minchin. Napakasungit ko at nung nag pa ulan ng sense of humor umiwas kasi ako.
“Si Kean lang may kaya I swear!”
Hindi nakapagtataka na happy ang pamilya nina Chynna at Kean. May dalawa na rin silang anak, si Stellar na isinilang noong 2016 at si Salem na isinilang noong 2019.
Balikan ang one-of-a-kind wedding ceremony ni Chynna Ortaleza kung saan ay nag-suot siya ng gray wedding dress na likha ni Edwin Tan.