Celebrity Life

Chynna Ortaleza, umaming nahihirapan sa pagiging mommy in her 30s

By Maine Aquino
Published February 15, 2018 3:20 PM PHT
Updated February 15, 2018 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Chynna Ortaleza sa kanilang naging kuwentuhan nina Yasmien Kurdi at LJ Reyes sa 'ArtisTambayan' na hindi madali ang pagiging mommy in her 30s .

Inamin ni Chynna Ortaleza sa kanilang naging kuwentuhan nina Yasmien Kurdi at LJ Reyes sa ArtisTambayan na hindi naging madali ang pagiging mommy in her 30s .

Ayon kay Chynna, hindi siya nahirapang dalhin ang kanilang anak ni Kean Cipriano na si Stellar sa edad na 32 years old. Ngayong mag-34 years old na ang Kapuso star ay nararamdaman niya na umano ang hirap ng pagpapalaki ng anak.

Kuwento niya, "Luckily kahit 32 ako, hindi ako nahirapan na dalhin si Stellar. But it's a different story now that she's growing up. Kasi ngayon mag-34 na ako ang hirap niyang habulin. As in talagang ngayon ko na-understand kung bakit ina-advice sa mga babae to get pregnant in your 20s because nasa prime 'yung body mo."

Dahil sa kanyang natuklasan ay nagbigay ng advice si Chynna para mas maging madali ang pagpapalaki ng mga anak.

"My advice number 1, I'm sorry if you're a stay at home mom and even I, I am not always working out, you really need to work out. You have to make yourself strong for your child. Kung walang time magpunta sa gym, meron namang paraan sa bahay. May mga applications na puwede ninyong gamitin or 'yung daily activities niyo ng anak niyo, 'yun na 'yung magiging exercise mo. Pretty much that's how you keep strong."

Dagdag pa ni Chynna ay importante ang tulog sa mga busy moms para mas maging malakas ang pangangatawan para sa activities with kids. Aniya, "Try to get as much sleep as you can even if mahirap gawin."