
Malaki ang pasasalamat ni Chynna Ortaleza sa kanyang asawa na si Kean Cipriano lalo na't mayroon na silang dalawang anak.
Kaya naman sa Instagram ng Idol sa Kusina host, inihayag niya ang kanyang nararamdaman para kay Kean at sa mga ama na tulad niya.
“Saludo sa mga Daddy na naka nganga,” biro niya sa caption.
“Akala ng marami mga Mommy lang ang laylay petals or pagoda tragedy. Pero sa aming partnership, si @kean dinadamayan ako. Solid!”
“First-day namin maging parents nito… malapit na maging zombie!” aniya, kalakip ang litrato ni Kean na natutulog sa ospital.
Pahayag ni Chynna, lalo niyang na-appreciate ang musician nang ipinanganak niya ang kanilang bunso na si Salem.
“Akala namin pagod na kami niyan. Ngayon na may Salem na kami, bukod sa kani-kaniyang career, e, may OC Records.
“Madalas mong makikita si Kean na naglalakad pero not sure ako kung gising ba siya o tulog, at naghahanap ng brains. Zombies forever na talaga.”
Ipinagpatuloy niya, “I swear to God! I have the best partner. Kaya niya akong patawanin pa rin kahit na pung pundi po siya sa asawa niya na sumalo ng kasungitan sa mundo.
“Mahal kita!!! @kean lapit na tayo mag-anniversary!”
Ikinasal sina Chynna at Kean noong November 2015.
Mayroon silang dalawang anak, si Stellar na ipinanganak noong April 2016, at Salem na ipinanganak noong September 2019.