Article Inside Page
Showbiz News
Malakas daw ang gaydar ni Chynna Ortaleza kaya kung ikukumpara sa iba, never pa siyang nagkaroon ng crush sa isang bading. Sa mga gustong magkaroon ng gaydar tulad ni Chynna, itinuro niya sa GMANetwork.com kung paano ito gumana.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Malakas daw ang gaydar ni Chynna Ortaleza kaya kung ikukumpara sa iba, never pa siyang nagkaroon ng crush sa isang bading. Aniya, “I feel if medyo berde ang dugo niyan. Parang siguro dahil alam ko na kung paano tumingin pa lang. Parang medyo may something else kaya naamoy ko sila nang slight.”
Sa mga gustong magkaroon ng gaydar tulad ni Chynna, itinuro niya sa GMANetwork.com kung paano ito gumana.
Through a conversation
Ani Chynna, unang-una raw na gagawin ay kausapin ang lalaki. “First of all kasi, I’m really a person who likes to have conversation with people. I'm interested in a person right away eh,” saad niya.
Malalaman mo raw agad sa mga interest niya kung tunay siyang lalaki or hindi. “Doon pa lang sapol na 'yon eh. Kapag biglang pumasok 'yung conversation into fashion or kapag artsy or they’re very passionate about a certain something, the way they look and the eyes show na hindi sila straight,” pahayag ni Chynna.
Kilatisin din daw ang galaw at kung paano ito magsalita. Aniya, “Makikita mo sa galaw, sa maliliit na gestures. Kahit na paminta man 'yan, makikita mo agad sa itsura eh. Sa bagsak pa lang ng katawan saka choice of words eh.”
Through their appearance
Kapag hindi mo nakuha ang sagot sa conversation ninyo, obserbahan daw ang kanyang pananamit. Pero ayon kay Chynna, dahil marami na ang paminta ngayon o ‘yung mga closeted gays na tinatawag kaya medyo mahihirapang malaman kung sino sa kanila ang tunay na lalaki at sino ang may pusong mamon.
“Usually sila ‘yung mas borta [o malalaki ang katawan] at sila 'yung mas makikinis. To the point na feeling mo nakakahiya [dahil] mas makinis pa sa 'kin si friend,” saad niya.
Through their social media accounts
Kapag hindi ka pa rin daw sure, i-check mo na ang social media accounts niya. “'Yung Instagram account nila, when you look at it, you know right away that they're gay because of their selfies, the angles, and they look like models.”
Dagdag niya,“Or kapag hindi naman sila masaydong mahilig sa physicality nila, they are highly creative. 'Yung mga napipili nilang pictures [ay] very deep [and] very dynamic,” pahayag ni Chynna.