GMA Logo cia with ba at pmpc star awards
Courtesy: Cayetano in Action with Boy Abunda on Facebook
What's Hot

'CIA with BA,' back-to-back win sa PMPC Star Awards

Published August 25, 2025 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

cia with ba at pmpc star awards


Boy Abunda: "This show has made me a student for the rest of my life."

Nag-uwi ng sunud-sunod na parangal ang public affairs program na Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA) sa 37th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang 37th awards na para sana sa 2023 ay naantala dahil sa pandemya at tuluyan nang naganap nitong August 24, 2025, ilang buwan matapos gawin ang 38th PMPC Awards noong Marso.

Sa kabila ng kakaibang schedule, itinanghal pa rin ang CIA with BA bilang Best Public Affairs Program para sa parehong taon.

Ang mga hosts nitong sina Senador Alan Peter Cayetano, Senadora Pia Cayetano, at Boy Abunda ay kinilala rin bilang Best Public Affairs Program Hosts.

Mabilis na nakatanggap ng pagkilala ang programa kahit kakasimula lang nito noong 2023. Nasa ika-11 season na ngayon, itinutuloy ng CIA with BA ang pamana ng yumaong Senador na si Rene Cayetano, ama ng magkapatid na Cayetano, na nagpasimula ng programang Compañero y Compañera noong dekada 1990 hanggang 2000s para magbigay-gabay sa mga Pilipino tungkol sa mga usaping legal.

Sa kanyang acceptance speech para sa 37th Star Awards, nagpasalamat ang batikang host na si Boy Abunda sa mga manonood at ibinahagi ang kahalagahan ng programa para sa kanya.

“Pumupunta po ako sa mga tapings, handa para matuto. And I realized that doing this show has made me a student for the rest of my life. Ang dami-dami po ang natututunan. It's the excitement about doing something uncertain, going into that space that you're not sure of. That continues to excite all of us,” pahayag ni Boy.

Sa isang Facebook Live, nagpasalamat si Senador Alan sa mga tumatangkilik sa programa.

Aniya, “We try to keep things entertaining, but more importantly, we make sure the show really helps people solve their problems. That's what matters most,” aniya. “Thank you po for supporting Cayetano in Action with Boy Abunda. I hope nakakatulong [ang programa.] And remember, we have to learn together.”

Mapapanood ang Cayetano in Action with Boy Abunda tuwing Linggo, 11:00 ng gabi sa GMA 7.