GMA Logo CIA with BA
What's Hot

CIA with BA: Hindi kamag-anak, alagang aso, pwedeng maging beneficiary?

Published June 17, 2025 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

CIA with BA


Sa pagpapatuloy ng Hong Kong Special ng 'CIA with BA,' isang nakakaintrigang tanong mula sa OFW na si Cristina ang ibinahagi sa segment na 'Tanong ng Pilipino.'

Aniya, “'Yung isa kong kaibigan, tinawagan ng stepdaughter niya na nasa Pilipinas. Bilang pasasalamat daw sa kanya dahil siya ang nagpalaki dito ay gagawin daw siyang life insurance beneficiary nito. Pwede po ba 'yon?”

Ayon kay Atty. Mark Demova, “The answer is yes. Under our Insurance Code, malaya ang isang tao na may insurance policy o 'yung insured person to designate kung sino 'yung gusto niyang beneficiary. Hindi required na kamag-anak o blood relative.”

Ngunit nilinaw din niya na may ilang partikular na sitwasyon kung saan hindi maaaring gawing beneficiary ang isang tao.

“Meron lang specific circumstances na [ang isang tao ay] hindi mo pwedeng maging beneficiary, katulad halimbawa na kabit,” aniya. “As a matter of public policy, syempre hindi natin dapat i-encourage 'yung mga ganon klase ng relasyon.”

Sa gitna ng usapan, ibinahagi ng host na si Boy Abunda na ngayon lang niya ito nalaman at natutunan at sinamantala na rin niya ang pagkakataon para makapagtanong: “Pero pwede bang gawing beneficiary ang alagang aso?”

Ayon kay Atty. Matt Cesa, “I think hindi pa ganon ka-advanced 'yung laws natin. I've heard it sa U.S. although sa kanila kasi, liberal talaga sa laws nila. They [treat] their pets as a legal personality.”

Dagdag naman ni Atty. Demova, “Dalawa lang ang personalidad sa laws natin--natural persons, tayong mga tao, and juridical persons--mga korporasyon.”

Sa kabuuan, muling naipakita sa episode ang kahalagahan ng kalayaan ng isang tao na pumili kung sino ang nais niyang bigyang halaga at pagkilala--kahit hindi ito kadugo.

Para sa maraming OFW, ang tanong na ito ay may malalim na personal na saysay, lalo na sa mga pagkakataong hindi dugo kundi malasakit at pag-aaruga ang naging pundasyon ng relasyon.

Sa pangunguna nina Senador Alan Peter Cayetano at ni Tito Boy, ipinagpapatuloy ng 'CIA with BA' ang adbokasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano. Mapapanood ang programa tuwing Linggo ng gabi, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.