GMA Logo cia with ba
What's Hot

'CIA with BA': Magkapatid na nag-away dahil sa basura, magkaayos kaya?

Published July 6, 2023 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rave Victoria tears up as he reunites with his mom
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

cia with ba


Alamin kung anong nangyari sa dalawang magkapatid matapos silang kausapin nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa 'CIA with BA.'

Muling pinatunayan ng CIA with BA sa pinakahuling episode nito ang kasabihan na “blood is thicker than water.”

Nitong Linggo, Hulyo 2, hinarap ng magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano at ng TV host na si Boy Abunda ang reklamo ni Gary Alonzo tungkol sa kanyang nakatatandang kapatid na si Berto na bigla aniyang ibinenta ang kanyang mga naipong kalakal na nagkakahalaga ng halos PhP3,000.

Pero ayon kay Berto, ang mga nasabing kalakal ay nagdudulot ng istorbo sa mga kapitbahay dahil ang mga ito'y nakatambak sa harap ng kanilang bahay kung saan nakatira rin si Gary.

Bukod pa dito, ang halaga na napagbentahan ni Berto sa mga kalakal ay itinuturing niyang bayad ni Gary sa kuryente at iba pang mga bayarin.

Wika ni Senador Alan, “Obligasyon namin sabihin kung ano [ang] batas.”

“In one sense kasi, Gary, ang sinasabi nga niya (Berto), do'n nakatambak ('yung mga kalakal), bahay niya 'yon… may karapatan [siyang] tanggalin 'yon,” sabi niya kay Gary.

Dagdag niya, “Pero tama ka naman Gary na iba kasi 'yung 'tanggalin' -- 'yung tatanggalin mo [ang] perwisyo--[at] iba 'yung binebenta mo.

“Kasi 'pag binenta mo, ari-arian niya [Gary] 'yon. Kaya kung batas at batas ang pag-uusapan, pwedeng tanggalin 'yon pero hindi mo dapat ibenta 'yon kaya 'yung pera dapat isauli sa kanya,” pagpapatuloy niya habang kausap si Berto.

Sinabi ni Senador Alan na tutulungan ng programa ang magkapatid pero dapat nilang ayusin ang kanilang relasyon.

“Sasagutin na namin 'yung tatlong libo, sagutin namin 'yung konting [halaga para sa] kuryente at tubig… hanggang do'n 'yung tulong namin pero 'yung relasyon niyo [bilang magkapatid], hindi namin kayang idikta 'yon. Pero sana mag-usap kayong dalawa… 'wag kayong aalis dito sa studio na hindi man lang bumabalik 'yung turingan bilang magkapatid,” pakiusap ng senador.

Bago nagtapos ang "Case 2 Face" segment, humingi ng tawad si Gary kay Berto.

“'Tol, kung ano man nagawa ko sa 'yo, patawarin mo ako. Sana 'di na natin i-aano 'yung pagiging magkapatid natin,” wika ni Gary habang umiiyak at yakap ang kuya.

“Mas maganda, ayusin na natin buhay natin. Makinig ka sa 'kin. Ilalagay naman kita sa maayos e,” sabi naman ni Berto sa nakababatang kapatid.

Bukod sa tulong pinansyal, nagbigay rin ang CIA with BA ng tulong para sa edukasyon ng anak ni Gary at maliit na pagkakakitaan.

Ang CIA with BA ay pagpapatuloy ng legasiya ni Senator Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang 'Compañero y Compañera' noong 1997 hanggang 2001.

Patuloy na panoorin ang CIA with BA, kasama sina Alan, Pia, and Boy, tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA-7.

SAMANTALA, KILALANIN PA NANG HUSTO SI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: