GMA Logo CIA with BA
What's Hot

'CIA with BA,' may babala sa pet owners

Published August 31, 2023 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

CIA with BA


Maaari bang singilin ng biktima ng kagat ng aso ang amo nito? Alamin dito sa 'CIA with BA':

“'Pag nag-alaga ka ng kahit anong klaseng animal or pet, responsibilidad mo 'yon!”

Ito ang mga binitiwang salita ni Senador Alan Peter Cayetano nang talakayin ng public service program na CIA with BA ang mga responsibilidad ng mga nag-aalaga ng hayop--lalo na ng mga aso--sa huli nitong episode.

Sa segment na "Payong Kapatid" nitong Linggo, Agosto 27, isang nagngangalang Josefina Macaranas Esteban ang dumulog sa magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano matapos siyang makagat ng aso ng kanyang kapitbahay na si Sheena noong nakaraang buwan.

Ayon kay Josefina, nung una ay pumayag ang may-ari ng aso na sagutin ang kanyang mga bayarin sa pagapagamot, kasama na ang anti-rabies vaccine, na umaabot sa halagang PhP15,000. Pero di kalaunan, sinabi ni Sheena na hindi niya ito kayang bayaran kaya naman hiniling ni Josefina na sagutin na lamang kahit kalahati.

Sa kabutihang palad, siya ay dumulog sa mga tamang tao dahil si Senador Pia ang naglathala ng Anti-Rabies Act noong taong 2007.

“Nung ginawa po natin 'tong batas na 'to, syempre conscious po tayo at that time na we are one of five countries in the world na meron pang rabies,” pagbabahagi ni Pia. “Sabi nga, 'Dog is a man's best friend,' so ang purpose natin is how do we create an environment na itong best friend daw ng tao [ay] hindi naman nakakasakit sa iba.”

Mayroong bahagi ang nasabing batas na iniisa-isa ang mga responsibilidad ng pet owners at kabilang rito ay “to be sure that the dog is not allowed to roam around the street or any public place without a leash.”

“So, the fact na sa harap man ng bahay niya pero sabi mo nasa sidewalk na at wala siyang tali, 'yon ay violation na,” sabi ni Pia.

Patuloy niya, “'Tapos the law goes on to say na ang isang tao, kung ang aso niya ay makakagat sa.. katulad mo.. siya talaga magbabayad ng medical [expenses] no'n. Clear din ang batas natin diyan, kumpleto 'tong batas na 'to, I'm very proud of it. Kasi sa batas na 'to, 'pag ayaw mong bayaran, may multa ka pang PhP25,000,” pagpapaliwanag niya. “So technically, may plus 25k pa siya [Sheena) na utang.”

Para naman kay Senador Alan: “Pwede ka talagang mag-claim ng danyos kapag may ginawa sa 'yo na nakasakit. Ang maganda rito [sa batas na ito], may amount na tapos may dahilan na.”

“And by the way, iba 'yung ayaw magbayad sa hindi kaya kasi basta't may properties ka, kahit na wala kang cash… ibang-iba 'yon kapag walang-wala ka talagang ibibigay, 'yung zero ka talaga,” diin pa niya.

“The law is on your side,” panapos na sinabi ni Pia habang sinisiguro kay Josefina na may abogado na tutulong sa kanya.

TINGNAN ANG CELEBRITIES AT ANG KANILANG CUTE PETS:

Ang CIA with BA ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang 'Compañero y Compañera' noong 1997 hanggang 2001.

'Wag palagpasin ang CIA with BA kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.