GMA Logo CIA with BA
What's Hot

CIA with BA: Nagnakaw dahil sa matinding pangangailangan, pwede bang hindi makasuhan?

Published December 4, 2025 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

CIA with BA


Sa “Tanong ng Pilipino” segment ng 'CIA with BA', tinanong ng viewers kung posible bang hindi makasuhan ang taong nagnakaw dahil lang sa matinding pangangailangan.

Naging mainit na usapin ang viral na kaso ng isang ama na nagnakaw ng gatas para sa kanyang anak, lalo na matapos mag-trending ang pulis na naawa at siya pang nagbayad ng ninakaw.

Sa “Tanong ng Pilipino” segment ng CIA with BA, tinanong ng viewers kung posible bang hindi makasuhan ang taong nagnakaw dahil lang sa matinding pangangailangan.

Ayon kay Atty. Marian Cayetano, malinaw ang sagot ng batas: “Dura Lex Sed Lex”—the law may be harsh, but it is still the law.

Ipinaliwanag niyang hindi kasama sa mga exempting circumstance sa criminal law ang matinding pangangailangan. “Kahit po sobrang hirap na hirap na siya, hindi pa rin po siya exempted sa criminal liability,” pagtitiyak niya.

Binigyang-linaw din ni Atty. Mark Devoma na sa criminal law, mahalagang paghiwalayin ang intent at motivation.

“Intensyon mo talagang magnakaw kasi kailangan mo 'yung gatas, pero the motivation behind your intent to steal, hindi na po 'yon kino-consider ng batas,” aniya. Ibig sabihin, kahit justified sa paningin ng tao, krimen pa rin ito sa mata ng batas.

Isa pang tanong ng viewers ang tinalakay: Kung binayaran na ng pulis ang ninakaw, may krimen pa rin bang nangyari?

Ayon kay Atty. Mark, oo, malinaw ito. “While commendable 'yung ginawa ng pulis… under the law meron pa ring krimen na na-commit,” sabi niya. Hindi nawawala ang liability kahit naibalik o nabayaran ang item.

Ipinaliwanag niya na ang theft ay consummated na kapag nakuha ang isang bagay nang walang pahintulot.

“Kahit ibalik mo, kahit bayaran mo, or someone else pays for it, may krimeng nangyari,” dagdag niya. Ang kabutihan ng pulis ay nakakaantig, pero hindi nito nabubura ang naganap na paglabag sa batas.

Sa dulo, nanatiling malinaw ang mensahe ng segment: maaaring maging mahirap ang sitwasyon, ngunit hindi nito awtomatikong inaalis ang pananagutan sa batas. May puwang ang awa, pero hindi rin maaaring isantabi ang batas na nagtatakda ng kaayusan at hustisya para sa lahat.

Led by Senator Alan Peter Cayetano, Senator Pia Cayetano, and Boy Abunda, CIA with BA airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV every Saturday at 10:30 p.m.