GMA Logo Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, and Cianne Dominguez in Magpasikat
What's on TV

Cianne Dominguez, labis nagpapasalamat sa kanyang 'Magpasikat' team

By Kristine Kang
Published November 2, 2024 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Venezuela welcomes 1,600 foreign rescuers in urgent search for earthquake survivors
Several want to transfer schools following Tacloban shooting
Anne Curtis wears same designer jewelry as Mariah Carey

Article Inside Page


Showbiz News

Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, and Cianne Dominguez in Magpasikat


Cianne Dominguez kina Jhong Hilario at Jackie Gonzaga: 'I'm incredibly grateful to be surrounded by the right people.'

Isa sa mga nagwagi sa "Magpasikat 2024" ng It's Showtime noong October 26 ang team nina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.

Nanalo sila bilang 2nd place sa kompetisyon dahil sa kanilang madamdamin at makapanahong performance tungkol sa adbokasiyang mental health awareness. Ipinakita nila ang importansya ng pag-aalaga sa mental health at ang pagpapanatili ng katatagan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Kahit tapos na ang selebrasyon ng It's Showtime, hindi pinalampas ni Cianne na magpasalamat muli sa kanyang mga kasama sa grupo. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng host ang kanilang mga hindi malilimutang alaala mula sa kanilang performance. Ipinakita rin niya ang ilang behind-the-scenes photos mula sa kanilang rehearsals sa studio.

Kasabay ng kanilang mga larawan, nagsulat si Cianne ng isang thank-you message para kina Jhong at Jackie sa caption. Inumpisahan niya ang kanyang mensahe sa pagsasabi kung gaano siya kasaya at proud sa lahat ng karanasan na kanilang pinagsaluhan.

"My heart is overflowing with joy, learning, love, and experiences that I can hardly put into words. As I reflect on all the moments that have led me here, this experience has shaped me, teaching me lessons especially about mental health," sabi ni Cianne.

Labis ang pasasalamat ng host sa kanyang groupmates na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang subukan ang mga bagong bagay katulad ng stunts.

Aniya, "I'm incredibly grateful to be surrounded by the right people who inspire and encourage me to reach for things I never thought I could achieve."

"Kuya Jhong Hilario, thank you sa tiwala at paniniwala .Your support pushes me out of my comfort zone and helps me discover my potential. Also Ate @jackiegirlg ! Thank you," dagdag niya.

Sa huli, pinasalamatan din niya ang mga staff na tumulong sa pagbuo ng kanilang engrandeng "Magpasikat" performance.

"Thank you also to all the staff na kasama namin sa journey na ito. I love y'all!" ani ni Cianne.

A post shared by CIANNE (@ciannedominguezz)

Maliban kay Cianne, nagpasalamat din si Jhong sa lahat ng bumuo ng kanilang "Magpasikat" team sa Instagram. Ipinakita rin niya ang mga highlight ng kanilang preparasyon at mismong performance sa isang short reel.

Kasunod ng team nina Jhong, Jackie, at Cianne, umangkop ang grupo nina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz, o AJT, bilang third place. Ang itinanghal na grand champion ay ang team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC, at Lassy.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP SA HULING ARAW NA "MAGPASIKAT 2024" SA GALLERY NA ITO: