GMA Logo cianne dominguez
PHOTO COURTESY: @ciannedominguezz (Instagram)
What's Hot

Cianne Dominguez on her 'Pinoy Big Brother Collab 3.0' stint: 'Nag-grow din talaga ako'

By Dianne Mariano
Published November 25, 2026 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: What is Red Wednesday?
Miss Puerto Rico Jennifer Barreto is Miss Universe 2026; Bea Millan-Windorski named third runner-up
How ECOMEX 2026 Brought the Philippine Digital Commerce Community Together

Article Inside Page


Showbiz News

cianne dominguez


Ayon kay ex-'PBB' housemate na si Cianne Dominguez, 'peaceful' sa loob ng Bahay ni Kuya, "Walang ingay ng mundo."

Nagbalik na sa It's Showtime ang host at ex-Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemate na si Cianne Dominguez ngayong Miyerkules, November 25.

Ipinamalas ng Kapamilya star ang kanyang husay sa pag-perform nang kantang “Stronger (What Doesn't Kill You)" ni Kelly Clarkson sa opening ng noontime variety show.

Matapos ito, binigyan ng It's Showtime hosts ng big group hug si Cianne sa kanyang pagbabalik sa programa. Ibinahagi naman ng TV host ang una niyang ginawa matapos lumabas sa Bahay ni Kuya.

“'Yung pinakauna kong ginawa sa outside world, nagpahinga talaga ako sa house. Pero kinabukasan, kumain ako agad sa Paldo kasama 'yung family [ko]. Thank you, Ryan Bang. Doon kami nag-bonding, nag-catch up ng family,” pagbabahagi niya.

Ikinuwento naman ni Cianne ang pakiramdam noong nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.

"Masarap din yung feeling sa loob kasi peaceful, kami-kami lang talaga yung nandoon. Walang ingay ng mundo, kaya mas nakapag-focus ako sa self ko. Masasabi kong nag-grow din talaga ako, especially spiritually. And nase-sepanx [separation anxiety] ako, sumisigaw ako, 'I miss my Showtime family!'" aniya.

Ayon pa kay Cianne, nami-miss niya ang peace at genuine bond niya sa kanyang kapwa housemates sa loob ng Bahay ni Kuya. Inilahad din niya ang housemate na kanyang pinaka-na-miss.

"Lahat naman sila, pero 'yung pinaka-close ko kasi si Ate Mikee [Quintos]. Sobrang deep niyang person, sobrang sarap niyang kausap. And si Ate Winwyn [Marquez] bilang mom, ang dami kong natutunan sa kanya. Sila naman lahat, I miss you all!" kwento niya.

Labis ang pasasalamat ni Cianne sa kanyang fans sa kanilang patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa kanya.

"Maraming, maraming salamat sa lahat ng nagsu-support sa akin. Sa lahat ng totoong nakakakilala talaga sa akin, lalo na 'yung mga taong tinitingnan yung good in everything, yung naa-appreciate ka sa lahat ng ginagawa mong magaganda and hindi ka dine-define sa mga pagkakamali mong unintentional.

"Thank you, thank you so much. I love you all! Sobrang na-appreciate ko kayo. From the bottom of my heart, I love you with the love of the Lord," saad niya.

Panoorin dito:

Matatandaan na na-evict sina Cianne Dominguez at Sparkle star Nicole Fortuna sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 noong November 21.

RELATED GALLERY: Get to know Cianne Dominguez, 'Pinoy Big Brother Collab 3.0' housemate

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.