
Masayang ibinahagi ni Ciara Sotto ang tagumpay na nakamit ng 7-year-old na anak na si Crixus sa football.
Sa Instagram, ipinakita ni Ciara ang medalya at tropeyo na nakuha ng anak sa katatapos lamang na SingaCup, isang international youth football tournament sa Singapore, kung saan ang team nito ang itinanghal na kampeon.
"My champ! Congratulations Crixus. I'm so proud of you!" sulat ni Ciara.
Nakatanggap din si Crixus ng pagbati sa ilang celebrities tulad nina Ryan Agoncillo, Pops Fernandez, Mariel Padilla, at Sugar Mercado.
Malaki ang suportang natanggap ni Crixus sa kanyang pamilya na pumunta rin sa Singapore para manood ng kanyang laban. Isa sa mga sumuporta sa una niyang international football tournament ay ang lolo niyang si Tito Sotto.
TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA CIARA SOTTO AT CRIXUS DITO: