
Nagbigay inspirasyon si Ciara Sotto sa pagbabahagi ng karanasan niya nang magpositibo sa COVID-19 noong June 19.
Ayon kay Ciara, isa ito sa mga karanasang hindi niya gustong maulit pa. "I'm sharing with you my experience with COVID-19 virus last June. It may not have been serious, but it's still something I would never want to go through again."
Labis ang naging pag-aalala ni Ciara noong magpositibo siya sa COVID-19 dahil kasama niya ang kanyang magulang at anim na taon na anak na si Crixus.
Ikinuwento ng aktres na nawalan din siya ng panlasa at pang-amoy. Hindi man siya nagkaroon ng ubo, lagnat at diarrhea pero ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan.
"It was really pulling me down physically because you know you feel really tired when you have it. And mentally because you couldn't be with anyone, I couldn't be with my son."
Sa vlog, makikitang naapektuhan din si Crixus ng nangyari kay Ciara dahil hindi ito makatulog nang hindi kasama ang ina.
"He kept banging the door, he wanted to stay with me, and of course we were both crying," kwento ni Ciara.
Habang naka-quarantine, pinalakas ni Ciara ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at yoga. Matapos ang 10 araw, mabuti na ang naging pakiramdam ni Ciara at bumalik na rin ang kanyang pang-amoy at panlasa.
"I glorify God because He healed me right away and He really help me deal with it," pasasalamat ni Ciara nang tuluyang gumaling mula sa COVID-19.
Malaki rin ang pasasalamat ni Ciara na negatibo ang kanyang buong pamilya sa virus.
Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Ciara Sotto at Crixus sa gallery na ito: