GMA Logo Cindy Miranda at JM de Guzman
What's Hot

Cindy Miranda at JM de Guzman, umaming minsang naadik sa pag-ibig

By Nherz Almo
Published April 4, 2023 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Cindy Miranda at JM de Guzman


Ayon kay Cindy Miranda, naranasan niyang maghabol sa isang lalaki dahil sa sobrang pagmamahal niya rito: “Masakit po.”

Aminado ang mga aktor na sina Cindy Miranda at JM de Guzman na minsan na rin nilang naranasan na maadik sa pagmamahal ng isang tao.

Ito kasi ang tema ng pelikulang pinagbibidahan nila, ang Adik Sa 'Yo, na nagkaroon ng press conference noong Sabado, April 1.

Tinanong ng GMANetwork.com sina Cindy at JM kung naranasan nila ang magmahal nang sobra sa isang tao, katulad ng isa sa mga karakter sa pelikula.

Pag-amin ni JM, “Ang dami kong experiences na ganyan sa totoong buhay, na madly in love. Siguro [dahil] yung behavior ko noong bata ako na masyado akong impulsive, hindi pinapairal ang utak and sobrang magmahal, nakakalimutan ang sarili.”

Dagdag pa niya, “Marami ring consequences na hinarap ko, actually.”

Katulad ni JM, naka-relate daw nang husto si Cindy sa role ni Joy, na kanyang ginampanan.

“Na-experience ko na si Joy sa totoong buhay, yung adik na adik [sa pag-ibig]. Mahirap akong magkagusto pero kapag nagkagusto po ako, sobrang gusto, adik,” sabi ng beauty-queen-turned-actress.

Kasunod nito ay inilarawan niya ang naging pakiramdam niya sa karanasang ito.

“Ang hirap po, ang hirap hilahin 'yung sarili. Kasi, kapag naaadik ka sa isang tao, hindi mo na alam kung nasasaktan mo na siya o napapasaya mo pa ba siya. Kasi, kung ano 'yung ginagawa mo, wala ka nang kontrol sa sarili mo. Siyempre, may regret po ako doon sa sobrang pagiging adik sa pagmamahal. But I cannot blame myself because that's how I love. Pero sana, the next time I fall in love again, sana hindi ko na po gawin.”

Sa sumunod niyang pahayag, tila nagbigay siya ng advice para sa mga nakaranas ding magmahal nang sobra-sobra.

Paliwanag niya, “Okay lang naman maadik sa isang tao. Kaya lang kapag sobra-sobra, ang daming negative na nangyayari. Pati sarili mo nga, nakakalimutan mo. Dapat hindi mawala yung self-love, I think, kapag naaadik ka, nawawala yung self-love. Kasi, naaadik ka doon sa isang bagay o sa isang tao, so wala na sa mind mo yung sarili mo. I think, yun ang negative talaga kaya nagpe-fail lahat ng bagay around you.”

Bago ang huling parte ng kanyang sagot, tila pinipigilan ni Cindy ang sarili maging emosyunal.

Sabi niya, “Sana ako po, next time… Okay lang maadik sa pagmamahal, basta hindi lang mag-fail kasi ang hirap talaga.”

Cindy recalls past relationship

Sa kalaunan ng press conference, inusisa ng PEP.ph columnist na si Jojo Gabinete si Cindy tungkol sa kanyang dating relasyon.

Dito, inamin niya, “Literal na hinabol ko 'yung lalaki, parang si Joy. Medyo bata pa po ako noong panahon na yun. Ayun, hinabol ko po, iniwanan ka, e.”

Maraming beses na rin daw niyang naranasan ang ma-reject.

Pabirong hirit ni Jojo, “Sa ganda mong 'yan?”

Natawa naman si Cindy at sinabing, “Ang saklap, 'no? I think, sa pagmamahal, walang pinipili po talaga--maganda ka, gwapo ka, kung ano ka man, lagi kang masasaktan.”

At minsan, para gumaan ang loob, “Palagi kong sinasabi, 'Pangit ka kasi kaya ikaw 'yung gusto.'”

Agad naman siyang naging seryoso nang sabihing. “Nabubuhay naman po sa totoong realidad--maraming mas maganda sa 'yo, maraming mas talented sa 'yo, maraming mas may K [karapatan] sa 'yo, palagi kang papalitan at papalitan. Pero ang lagi kong sinasabi ko sa sarili ko, kahit iwanan ako nang iwanan pa, mag-stick ka lang sarili mo.”

Ano ang naramdaman ni Cindy nang makita ang ipinagpalit sa kanya?

“Masakit. Masakit po,” sagot ng aktres. “Pangit sabihin kung mas maganda ako sa kanya o hindi. Pero masakit kasi hahanapin mo ang mali sa sarili mo dun sa tao, 'Ano yung wala ako na mayroon siya?'

“But I realized, hindi ako ang may kulang. Siya lang 'yung nakakakita nung wala ako. And it's God's plan po, e. After that, you meet someone better, someone who can make you happier and can make you laugh. Yun na naman po palagi sa akin, 'Kaya pala kami naghiwalay kasi may mas mabuti.'

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Cindy ang kanyang emosyon, kaya natanong kung bago lang ang nangyaring breakup.

Sagot niya, “I'm not even heartbroken po this time. It's just that kapag binabalikan ko po… Maybe I'm just thankful na wala na ako sa relasyon na 'yon. Thankful ako na iniwan ako, pinagpalit ako, kasi I'm happy kung nasaan ako ngayon. Nandito ako ngayon, may movie ako, I'm happy.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG CELEBRITY BREAKUPS NA IKINAGULAT NG PUBLIKO: