GMA Logo Xian Lim
Photo Sources: @xianlimm on Instagram/ @viva_films on Instagram
What's Hot

Cindy Miranda, inilarawan si Xian Lim bilang 'cool' and 'hands-on' director ng 'Kuman Thong'

By Nherz Almo
Published June 20, 2024 10:09 AM PHT
Updated June 20, 2024 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon, Visayas
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim


Hindi nakadalo ang actor-director na si Xian Lim sa media conference ng pelikula niyang 'Kuman Thong.'

No-show ang actor-director na si Xian Lim sa media conference ng horror movie na idinirehe niya, ang Kuman Thong, na ginanap kahapon, June 19, sa Viva Café sa Quezon City.

Ayon sa lead actress ng pelikula na si Cindy Miranda, “may prior commitment” si Xian kaya hindi ito nakadalo sa naturang event.

Gayunman, natanong pa rin siya at ang young co-actor niyang si Althea Ruedas tungkol kay Direk Xian, na parehong unang beses nilang nakatrabaho.

Ayon sa 11-year-old actress, humanga siya kay Xian dahil “he's open for suggestions.”

Kuwento niya, “Actually po, noong script reading pa lang namin, he already told us kung ano ang mga gusto niya about the movie, ano yung gusto niyang ipalabas sa bawat eksena. Pagdating sa set, kapag may bigla kaming naisip na mas magandang gawin or mas mapapaganda yung movie, sasabihin lang po namin kay Direk and he will be okay with it. That's what I love about Direk.”

Nagustuhan din daw niya na hindi maarte ang kanilang direktor.

Pag-alala niya, “Mayroon pong one time, humiga po siya sa road para maipakita sa amin ang gagawin. Kaya sobrang amazed ako kay Direk, idol ko na po siya.”

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Samantala, aminado si Cindy na bago pa sila magsimulang magtrabaho para sa Kuman Thong, marami na siyang nababasa at naririnig tungkol kay Xian.

Aniya, “Marami akong naririnig tungkol kay Xian kasi never ko pang nakatrabaho si Xian. You know, ako nakakabasa ako ng mga write ups tungkol kay Xian. Well, may mga bad, you know, sa mga issues po. Ako rin po, tinanong ako ng mga boss sa Viva, 'How's Xian?'”

Nag-iba raw ang impression niya sa kanyang direktor nang magsimula na silang magshoot para sa pelikula.

“He's okay. He's very cool, very hands-on siya,” sabi ni Cindy.

“Ganito 'yan, 10 days po before kami mag-Thailand, saka lang naibigay yung script. Ganun po kabilis kasi ang daming revisions na nangyari. Si Xian, ang napansin ko sa kanya, very passionate siya sa pagiging direktor niya.

“Sabi niya nga, 15 years na siyang nag-a-act, so naiintindihan niya kami as an actor. Sabi niya, huwag daw kami mag-alala kasi naiintindihan niya ang lahat ng proseso namin. So, pagdating namin doon sa Thailand, hindi siya nagalit, never ko siyang nakitang nagalit, never uminit ang ulo niya.”

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Sa pelikulang Kuman Thong, ilang mga eksena nito ay kinuhanan sa Ayutthaya, Thailand, kung saan namalagi ang Filipino crew ng limang araw. Dito, nakatrabaho rin nina Cindy at Althea ang ilang Thai actors, na pinangungunahan ni Max Nattapol.

Ayon kay Cindy, “Mababait po yung mga Thai, very sweet po sila. Di ba, yung pananalita nila, very sweet ang tono nila? I think very respectful sila kahit ang hirap makipag-usap sa kanila, wala kang makikitang reklamo sa kanila. Work kung work. Natutuwa ako sa kanila, kapag sinabing 11:00 ang pack up, pack up tayo. Ganun sila kadisiplinado, lalo na sa mga staff nila.”

Ang Kuman Thong ay mapapanood sa mga sinehan simula July 3.

Tingnan ang ilang behind-the-scenes ng pelikulang Kuman Thong: