
Malinaw na itinanggi ni dating beauty queen Cindy Miranda ang paratang na siya ang third party sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Sinagot ni Cindy ang isang netizen na nag-iwan ng komento sa mga promotional photo nila ni Aljur para sa upcoming film na Nerisa sa Instagram.
Makikita sa mga larawan na magkayakap at magkahawak ng kamay sina Cindy at Aljur habang nasa iba't ibang outdoor setting.
"Sana pure work lang kayo. 'Wag ka sana manira ng pamilya," kumpronta ng isang netizen.
Maayos na sinagot ni Cindy ang netizen at sinabing, "Yes. Very professional. I'm not the third party, thanks."
Sa kasalukuyan ay mayroonng mahigit 43,490 likes at 300 comments ang post na ito ni Cindy sa Instagram na may caption, "Isang panaginip."
Samantala, July 8 nang kumpirmahin ni Kylie ang hiwalayan nila ni Aljur na unang kinupirma ng kanyang amang si Robin Padilla sa panayam nito kay Ogie Diaz.
Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December 2018 at ngayon ay mayroon silang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Samantala, balikan ang relationship timeline nina Kylie at Aljur sa gallery na ito: