GMA Logo cindy miranda
What's Hot

Cindy Miranda, single pero: 'Ready na po ako to fall in love'

By Nherz Almo
Published September 3, 2024 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

cindy miranda


Ayon kay Cindy Miranda, mas pinili muna niyang ituon ang atensyon sa trabaho kaysa pumasok sa bagong relasyon.

Kapansin-pansin ang lalim ng mga pahayag ni Cindy Miranda tungkol sa pag-ibig sa ginanap na press conference ng bago niyang pelikulang 40 kamakailan.

Kaya naman kinumusta ng GMANetwork.com kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso ilang taon matapos ang huli niyang pakikipagrelasyon.

“Ito, single pa rin po,” natatawang sagot ni Cindy.

Patuloy niya, “Pinili ko na lang talagang ma-in love sa work ko. Hindi naman dahil ayaw ko pang magka-boyfriend, pero dahil hindi pa talaga ako nai-in love. Siyempre, marami po akong nakakatrabaho, nami-meet sa work ko. Hindi rin po ako mapili, ha. Kasi, yung personality ko po, kapag gusto, gusto ko talaga, sobrang gusto ko. Wala pa po akong ganun.”

Aminado rin ang actress-TV host na mahirap pumasok sa isang relasyon ngayong sobrang tutok siya sa trabaho.

“I think, dahil siguro yung concentration ko nasa work ko. Ang hirap ma-in love,” aniya,

“And feeling ko sa last relationship ko, ang nangyari, parang hindi niya naiintindihan yung work ko. Parang that person likes me to settle down pero ako, hindi pa po.

“So, ako talaga, gusto ko muna talagang gawin ang mga pangarap ko. Siyempre, para rin sa mga taong sumusuporta sa akin, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Ayaw ko sayangin lahat ng ginawa nilang suporta sa akin for 12 years.”

Sa ngayon, hinahayaan na lamang niya kung saan siya dadalhin ng tadhana. Hindi naman daw niya isinasara ang kanyang puso sa bagong relasyon.

Sabi ni Cindy, “Wala lang, yung tadhana hindi mo masasabi talaga. Kung para sa 'yo, para sa 'yo talaga. But right now, I am happy. Pero kung may dumating mamaya, bukas, ready na po ako to fall in love.

“I am happy with myself. And sana yung dumating, ready rin siya sa akin.”

A post shared by Cindy Miranda (@cindy)

Fear in showbiz

Samantala, sa pelikulang 40, makakasama ni Cindy si Kiko Estrada. Ayon kay Cindy, inspiring ang istorya ng karakter niyang si Megan.

Kuwento niya, “Feeling natin perfect na yung buhay natin. Dumarating tayo sa ganun, 'no, na parang lahat nandiyan na. Then, one day gigising ka, puwede pa lang mawala sa 'yo. Yun ang istorya ni Megan. Then, may darating ulit sa buhay mon a magbibigay ulit ng rason sa 'yo kung itutuloy mo ang buhay mo o ayaw mo na.

“Kasi, siyempre, masakit talaga mag-fail sa buhay, lalo na kung feeling mo nakamit mo na ang pangarap mo. Minsan hirap talaga tayo tumanggap ng failure, ng rejection sa buhay.”

Sa tunay na buhay, lalo na sa showbiz, takot din ba si Cindy na mawala ang kasikatan?

Sagot niya, “I think sa industriya po na ito talagang kasama yung fame na 'yan. Talagang makikilala ka ng tao. Minsan diyan mo masusukat talaga kung ano ang level mo sa industry, kung gaano ka ka-famous, di ba? Pero ako…

“Actually, yun nga yung kuwento ni Megan, akala mo minsan nasa 'yo na ang lahat, everything is going well. Pero totoo 'yon, puwedeng bukas gumising ka, wala na lahat 'yan. Puwede nga mawala yung isang taong mahal na mahal mo bukas o kahit ano pa 'yan.”

Kaya naman, para kay Cindy, mahalaga na laging binibigay ang best sa anumang proyekto.

Paluwang niya, “Sa industriyang ito, dapat seize the moment itong araw na ito. Huwag mong sabihin na, 'Ah, bukas na lang.' Gawin mo kung ano ang puwede mong gawin. I-invest mo sa lahat talaga, lahat ng binigay na opportunity sa 'yo kasi ang daming dumarating na bago, di ba? Puwede kang matabunan.

“Pero kung palaging feeling nila okay ka, hindi ka nawawala, best foot forward ka palagi, siyempre, mag-i-stay ka talaga. Pero nakakatakot talaga araw-araw. Wala tayong kasiguraduhan sa bukas. So, yes, yung fear talaga palaging nandun yun sa trabaho.”

Directed by Dado Lumibao, mapapanood ang pelikulang 40 sa mga sinehan simula Miyerkules, September 4.

Panoorin ang nakaraang pahayag ni Cindy Miranda tungkol sa pakikipagrelasyon dito:

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/kapuso_showbiz_news/186361/kapuso-showbiz-news-cindy-miranda-at-jm-de-guzman-inamin-ang-pagkaadik-nila-sa-pag-ibig-noon/video