What's Hot

CJ Ramos, may mensahe matapos mahulihan ng droga

Published August 3, 2018 4:40 PM PHT
Updated August 3, 2018 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Laking pagsisisi ang naramdaman ng dating child actor na si CJ Ramos nang mahuli siya sa isang drug buy bust operation sa Quezon City.

Nahulihan ng hinihinalang shabu ang dating child star na si CJ Ramos sa isang naganap na drug buy bust operation sa Quezon City. Umamin naman si CJ na siya'y nagbalik bisyo.

Sa ulat ni Jun Veneracion para sa Balitanghali, wala sa drug watch list ng pulisya ang dating child actor na si CJ Ramos, ngunit kasama ito sa mga na-aresto sa isang buy bust operation na ginanap noong July 31 sa Quezon City dahil nagkataon na ang target person ng pulisya ay ang siyang pinagbilhan mismo diumano ni CJ ng droga.

Umamin daw si CJ na gumagamit siya ng shabu, pero isang taon na raw siyang tumigil. Natukso lamang daw siyang gumamit ulit at bumili noong araw na nahuli siya sa buy bust operation.

Napaiyak din si CJ sa sobrang pagsisisi at humingi ng tawad sa pamilya at mga kaibigan.

Napabilang si CJ sa ilang mga palabas at pelikula tulad ng 'Tanging Yaman' na pinalabas noong 2000.