GMA Logo Claire Castro and Royce Cabrera
What's on TV

Claire Castro at Royce Cabrera, madalas mapagalitan ng mga magulang?

By Dianne Mariano
Published October 27, 2021 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Claire Castro and Royce Cabrera


Between Claire and Royce, sino kaya ang mas madalas mapagalitan at bakit? Alamin dito:

Isang fun episode ang handog ng mga Nagbabagang Luha stars na sina Claire Castro and Royce Cabrera nang sumabak sila sa larong “Most Likely To” kung saan inilahad nila ang mga sikreto ng isa't isa.

Sa pinalabas na episode ng Challenging kamakailan, iba't ibang mga tanong ang sinagot ng dalawang Kapuso artists na mas magpapakilala sa kanila sa mga manonood.

Isa na dito ang tanong kung sino ang mas madalas mapagalitan ng kanilang mga magulang.

Sa tingin ni Claire, si Royce ang madalas mapagalitan, "Hindi ko alam kung bakit feeling ko lang si Royce. May feeling lang po ako.”

Inamin naman ito ng aktor ngunit sa tingin niya ay si Claire raw ang mas madalas na mapagalitan ng kanyang magulang at nagbigay pa ito ng nakakatuwang scenario.

Paliwanag niya, “Ako, oo. Napapagalitan ako ng magulang ko pero feeling ko mas madalas mapagalitan si Claire. Pasaway e. Kunware aalis kayo ng family mo, 'Claire, saan nga ba 'yung ano? 'Sorry, hindi ko alam 'yung direction e.' Mapagalitan ka na naman. 'Hindi mo alam 'yung directions?'”

Natawa naman si Claire sa sagot ng aktor at nagbahagi pa ito ng isang rason kung bakit siya napapagalitan ng kanyang magulang.

“Totoo 'yan tapos nakakalimutan ko kung saan [ko] nilalagay 'yung mga gamit tapos mapapagalitan ako,” sagot ng aktres.

Si Claire ay ang anak ng dating '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

Alamin pa ang iba't ibang sikreto nina Royce at Claire sa Challenging video sa itaas o panoorin dito.

Para sa mas marami pang exciting viral challenges featuring your favorite Kapuso stars, tutukan ang Challenging tuwing Biyernes, 7:00 p.m. sa GMA Artist Center Youtube channel.

Samantala, kilalanin sina Royce Cabrera at Claire Castro sa galleries na sa ibaba: