GMA Logo Claire Castro and Glaiza de Castro
What's on TV

Claire Castro, inspirasyon si Glaiza de Castro sa pag-arte

By Dianne Mariano
Published August 20, 2021 8:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Claire Castro and Glaiza de Castro


Ibinahagi ni Kapuso actress Claire Castro na si Nagbabagang Luha star Glaiza de Castro ang nagsisilbing inspirasyon niya sa pag-arte.

Ibinahagi ni Kapuso actress Claire Castro na inspirasyon niya sa pag-arte ang kanyang Nagbabagang Luha co-star na si Glaiza de Castro.

Aniya, “Well, si ate Glaiza po first of all kasi sa kanya po talaga ako.. kapag may parts po na kailangan ko ng advice, sa kanya ko po itatanong.”

Dagdag pa niya, “Na-realize ko din po sa kanya na may mga times na nahihirapan po siya humugot pero hindi niyo makikita na nahihirapan na pala siya nun kasi mukhang effortless po sa kanya.”

Maliban sa acting tips, isa rin sa mga natutunan ng aktres sa set ng Nagbabagang Luha ay ang disiplina.

“Besides acting tips, ang natutunan ko po talaga is discipline.

“Kasi ito po yung pinaka-mabigat na role na ginawa ko ever and sobrang bigat po ng workload,” pagbabahagi ni Claire.

Kuwento pa niya, “The first lock-in taping po, medyo always tired po ako and as time went by, natutunan ko po i-manage 'yung mga kailangan kong gawin.

“How to keep myself energized, how to stay focused. 'Yun po, 'yung discipline, I learned.”

Bilang isang Kapuso artist, nais pa ni Claire na i-improve ang kanyang sarili upang maging mas mahusay pa na aktres. Link:

“I'm just focused on improving. I learn everything from each project that I do--big or small po 'yung role.

“May mga things po akong natututunan to improve. So, I'm focused on being a better actor.

“I want to be better. I want to keep improving and growing.”

Samantala, patuloy na subaybayan ang karakter ni Claire bilang si Cielo sa Nagbabagang Luha mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Muling kilalanin si Claire Castro, na gumaganap bilang si Cielo sa Nagbabagang Luha, sa gallery na ito: