What's Hot

Claire Dela Fuente, ipinagtanggol ang anak na nadawit sa pagkamatay ni Christine Dacera

By Dianara Alegre
Published January 6, 2021 11:32 AM PHT
Updated January 6, 2021 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores

Article Inside Page


Showbiz News

Claire dela Fuente and son Gregorio Angelo De Guzman


'Fair play' ang hinihingi ng kampo ng isa sa mga tinitingnang suspek, na si Gregorio Angelo De Guzman, at ng kanyang inang si Claire Dela Fuente hinggil sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Patas na paghusga ang hiling ng kampo ni Gregorio Angelo Rafael De Guzman, isa sa mga tinitingnang suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Isa siya sa mga kasama sa year-end party na dinaluhan ng biktima noong December 31 sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Christine Dacera

Source: xtinedacera (Instagram)

Mariing itinanggi ni Gregorio Angelo, anak ng veteran singer na si Claire Dela Fuente, ang mga paratang na dawit siya sa umano'y panggagahasa kay Christine, na isa sa mga tinitingnang anggulo ng pulisya sa kaso ng pagkamatay ng 23-anyos.

“Absurd po. Paano ba naging rape? Bakla po ako. Never po akong nakipagtalik sa babae ever in my life. Hindi ako natu-turn on ng babae,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Iginiit din niyang hindi niya iniwan si Christine sa hotel nang makita niya itong walang malay sa bathtub.

Sinubukan pa umano niyang isalba ang buhay ang biktima.

“Nando'n po kami. Hindi namin iniwan si Tin. Until the end, hindi namin iniwan si Tin.

"Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari.

"Tumingin sila sa CCTV nando'n kami, sa police station, sa ospital, sa hotel,” aniya.

Gregorio Angelo Rafael De Guzman

Gregorio Angelo Rafael De Guzman

Dagdag pa niya, noong gabi lamang na iyon ipinakilala sa kanya si Christine ng mga kaibigan niyang flight attendant din.

Nauna raw siyang natulog at nagulat na lamang siya kinabukasan nang makita ang sinapit ng dalaga.

“Chineck ko 'yung ilong niya kung may air na lumalabas, wala.

"'Tapos chineck ko kung may heartbeat siya, wala rin.

"Sabi ko, 'Tin, babe, gising na gising na please.' 'Tapos inumpisahan ko mag-CPR.

“Malambot pa siya. Naaalala ko nu'ng binuhat namin siya kamay 'yung kamay niya, 'yung arms niya palabas ng tub. Warm pa siya. Kaya akala ko mase-save ko pa siya,” aniya.

Samantala, nakapanayam ng 24 Oras si Claire at ipinahayag niyang malinis ang kanilang konsensiya at hindi sila nagtatago sa batas.

Claire Dela Fuente

Claire Dela Fuente

“Wala ho kaming tinatago and I believe my son kasi tinawagan niya ako no'n, e.

"Sabi niya, 'Ma may situation dito. Parang patay na yata 'yung girl dito.'

“Bakla 'yung anak ko, e. Ang hirap i-admit pero alam ko 'yon matagal na bata pa siya. Kaya lang nagpapaka-disente siya,” lahad ni Claire.

Hindi rin umano maiwasan ni singer na matakot para sa magiging takbo ng kaso.

“Nanginginig ako sa takot. Sana maging fair lang ang laban. Nag-e-expect kami na sana may fair play dito. We're seeking justice too for Tin,” dagdag pa niya.

Ayon sa mga report, natagpuang patay Christine sa City Garden Grand Hotel sa Makati City noong January 1.

Agad siyang itinakbo sa ospital ngunit idineklarang "dead on arrival" dahil sa ruptured aortic aneurysm.

Bukod dito, tinitingnan din ng Makati police kung may "foul play" na naganap kaugnay ng pagkamatay ng flight attendant.

Kilalanin ang mga kilalang personalidad na nakaranas ng aneurysm sa gallery na ito: