GMA Logo Acosta family in First Lady
Image Source: patriciacoma_ (Instagram)
What's on TV

Clarence Delgado at Patricia Coma, bittersweet sa pagtatapos ng 'First Lady'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 30, 2022 2:23 PM PHT
Updated June 30, 2022 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Acosta family in First Lady


"Nakakalungkot tsaka mabigat pero nakaka-excite rin na mapanood ng viewers 'yung finale episode namin," pag-amin ni Clarence. Ano kaya ang mangyayari sa finale ng 'First Lady?'

Matapos ang 20 linggong pagpapasaya at pagbibigay kilig sa mga manonood, malapit nang matapos ang top-rating GMA Telebabad series na First Lady kaya naman bittersweet sina Clarence Delgado at Patricia Coma.

Ilang buwan ding nagsama sina Clarence at Patricia sa set ng First Lady kung saan gumanap sila bilang ang anak nina President Glenn (Gabby Concepcion) at Melody (Sanya Lopez) na sina Nathan at Nicole.

"Para sa akin, nakakalungkot din po [kasi] 20 weeks din po nag-run ýung First Lady, grabe. Actually, mas matagal po itong First Lady kaysa First Yaya," pag-amin ni Clarence sa Kapuso ArtisTambayan.

"Nakakalungkot tsaka mabigat pero nakaka-excite rin na mapanood ng viewers 'yung finale episode namin."

Dagdag ni Patricia, "Almost same thoughts din naman po kay Clarence. Kung may word po para sa ganun, siguro 'yung bittersweet feeling po kasi happy kasi tapos na, na successful 'yung show."

"Pero kinda sad kasi siyempre mami-miss namin 'yung First Lady."

Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng First Lady, binalikan nina Clarence at Patricia ang naging hamon habang naka-lock in taping sila.

Kuwento ni Patricia, naging mahirap sa kanila ang mga unang buwan ng lock-in taping dahil hindi sila pwedeng basta-basta lumabas ng kanilang mga kuwarto.

Ani Patricia, "Lalo na po nung first part, istrikto po talaga, hindi pwedeng hindi pwedeng maglabas-labas nung naka-lockin. Gustong-gusto po namin mag-swimming kaso bawal po talaga."

Buti na lang ay may eksena ang First Lady na kailangang nasa pool sila kaya naman sinulit na nila ang pagtatampisaw sa tubig.

Dagdag ni Clarence, "Actually nung pool scene po na 'yun, talagang after take po, tinuloy-tuloy pa rin namin 'yung swimming. Sabi namin, sulitin na namin."

Magkakaibigan man sila sa likod ng kamera, aminado si Clarence na hindi laging masaya sa lock-in taping dahil minsan ay naho-homesick rin sila.

"Mahirap din po talaga 'pag lock-in kasi 'yung lock-in po parang hindi naman po siya always masaya kami lagi. 'Pag tumatagal, naho-homesick na din kami,” aniya. "And sometimes may unexpected problems na pwedeng mangyari sa outside ng bubble namin."

Panoorin ang kanilang buong panayam sa Kapuso ArtisTambayan dito:

Ano kaya ang mangyayari sa istorya nina Glenn at Melody sa First Lady?

Panoorin ang huling linggo ng First Lady sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras. Naka-live streaming din ito sa GMANetwork.com, GMA Network Facebook page, at GMA Network Youtube channel.