
Tampok ngayong Sabado sa "Tuli" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ni Angelo, isang batang lalaki na may malubhang naramdaman matapos magpatuli. Bibigyang buhay ng teen actor na si Clarence Delgado ang istoryang ito.
Base sa mahigit isang minutong trailer na inilabas ng Wish Ko Lang, nakaranas si Angelo ng pananakit ng ulo at panghihina ng katawan matapos na magpatuli. Inakala rin ng binata na normal lamang ang panghihinang nararamdaman.
Tuluyan nga bang mauuwi sa trahedya ang pagpapatuli ng binata?
Makakasama rin ni Clarence sa episode na ito sina Ashley Sarmiento, Lilet Esteban, Fatima Velasco, Raquel Monteza, JK Giducos, Ronnie Lazaro, at TikTok star na si Maria Tiffany.
Huwag palampasin ang nakaaantig ng mga tagpo sa "Tuli" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, April 30, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, mas kilalanin pa ang teen actor na si Clarence Delgado sa gallery na ito: