
Hindi alam ni Clasher Miriam Manalo na nagdadalantao na siya nung sumali siya sa The Clash. Aniya, "Hindi pa po. Hindi ko pa po alam. Nung July ko lang po nalaman na pregnant po ako."
Ano ang mga precautions ni Miriam ngayong buntis siya?
Kuwento niya, "Bali, four months na po 'yung baby ko. Actually pinag-isipan ko po nang mabuti kung ipo-pursue ko po ito. Pero siyempre po 'di ba, nandito na ako, pinaghirapan ko po. So, ni-ready ko na po 'yung sarili ko. [I prepared] po. Naggagamot po ako. Umiinom po ako ng pampakapit. And, ayun po."
Inassure naman ni Miriam na okay ang kanyang dinadalang bata. Ika niya, "I think po okay naman po 'yung baby. Wala naman pong problema."