GMA Logo
What's on TV

Clasher Tombi Romulo, motivation ang inang may malubhang sakit

By Jansen Ramos
Published November 15, 2019 11:37 AM PHT
Updated December 23, 2019 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Patuloy ang laban ng binansagang Pride ng Kawit na si Tombi Romulo sa 'The Clash.'

Patuloy ang laban ng binansagang Pride ng Kawit na si Tombi Romulo dahil isa siya sa mga nakatungtong sa top 12 ng GMA singing competition ng The Clash.

Tombi Romulo
Tombi Romulo

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Tombi kamakailan, sinabi niyang big deal ang maging parte ng top 12 dahil naniniwala siyang dito maaari magsimula ang pagyabong ng kanyang career.

IN PHOTOS: Kilalanin ang The Clash top 12 finalists

"Napakasaya ko kasi naging part ako ng top 12. Ang season 1 finalists, sobrang daming exposure, mall shows, regional shows...

"Sabi nga nila, ito daw 'yung pinaka importante kasi parang manalo, matalo ka, kung talagang nagalingan sa 'yo ang GMA Artist Center, magkakaro'n ka ng karera.

Dagdag pa ng 30-year-old comedy bar performer: "Looking forward po ako do'n kasi 'di ko naman po alam kung mananalo po ako kasi sobrang salang sala 'to. Sobrang magagaling 'yung mga kasama ko, as in."

Mahalaga din daw kay Tombi ang kanyang exposure sa telebisyon para maging matunog ang kanyang pangalan bilang singer at comedian.

"Kung ako man ay palarin na umabot, o kung hindi man ako manalo, humaba 'yung journey ko kasi kailangan ko 'yun sa trabaho ko. Mas maganda, mas exposed ka."

Kahit mahigpit ang labanan sa The Clash, motivated para rin si Tombi na manalo sa kompetisyon alang-alang sa kanyang inang may ovarian cancer.

"Uunahin ko 'yung magulang ko kasi kailangan kong ipa-check up ang nanay ko kasi para hindi 'yung araw-araw s'yang dinudugo. Ang alam kasi ng mother ko diabetes lang 'yung sakit n'ya pero ang sakit ng Mama ko is cancer. May time na mahina siya, may time na malakas siya."

Doble kayod ngayon si Tombi para mapagamot ang kanyang ina.

Kahit abala sa The Clash, nakukuha pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa comedy bar.

"Nagwo-work pa rin po ako sa comedy bar kasi kailangan. 'Di naman everyday. No'ng wala pa ko sa The Clash, ang schedule ko is Tuesday to Sunday, Monday ang rest day."

Aminado si Tombi na humihiram siya ng pera sa kanyang co-Clashers dahil may panahong kinakapos siya at hindi sapat ang kanyang kinikita sa pagpe-perform sa comedy car.

Sa panahon ng kagipitan, dito niya napatunayan ang kabaitan ng kanyang The Clash co-finalists.

Bahagi ni Tombi, "May time na wala na talaga 'kong pera, as in. Nanghihiram ako sa mga co-Clasher ko, mababait naman sila. 'Pag sa stage professional lahat, nagkakalaban. Pero 'pag gan'to off-cam, lahat kami sharing kami sa pagkain, kahit tubig nga e, walang madamot."

Patuloy na subaybayan ang journey ni Tombi sa The Clash, tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto, at tuwing Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

WATCH: Sinong Clasher ang pinangalanan ni Super Tekla na "Tombi?"