
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, walang ang pagpapasaya ng sketch comedy show ng GMA na Bubble Gang.
Taong 1995 nang magsimulang umere ito sa telebisyon sa pangunguna nina Michael V. at Ogie Alcasid, kasama sina Antonio Aquitania, Sunshine Cruz, Aiko Melendez, at Wendell Ramos.
Maraming characters at skits ng Bubble Gang ang tumatak sa mga manonood. Kaya naman kung gusto niyong mapanood muli ang ilan sa mga naunang episode nito, ngayon na ang pagkakataon ninyo!
Bilang parte ng ikatlong 'Super Stream,' may mga piling episode na unang umere noong 1995 ang libreng mapapanood sa YouTube channel ng GMA Network.
Bukod sa Bubble Gang, marami ring mga classic Kapuso shows and movies ang mapapanood sa YouTube mula May 23 hanggang June 19.
TV Shows
Bubble Gang (1995)
Click (1999)
Bahay Mo Ba 'To? (2004)
ESP (2008)
Celebrity Bluff (2012)
Indio (2013)
Rhodora X (2014)
Bilangin ang Bituin sa Langit (2019)
First Yaya (2021)
Owe My Love (2021)
Movies
Just One Summer (2012)
My Kontrabida Girl (2012)
Nangyari ang unang 'Super Stream' noong August 30 hanggang September 26, 2020.
Ang ikalawa naman ay noong December 6 to 27, 2020.
Bisitahin at mag-subscribe sa GMA Network YouTube channel para maging updated sa Kapuso shows at movies sa Super Stream.