
Simula February 14, mapapanood na sa GMA ang classic at well-loved Korean drama na Princess Hours.
Pinagbibidahan nina Coffee Prince at Lie To Me actress Yoon Eun-hye (Caitlyn), Ju Ji-hoon (Prince Shin), Kim Jeong-hoon (Prince Yul), at Jumong actress Song Ji-hyo (Bianca) ang top-rated series na ito.
Simula nang magkasakit ang hari ng South Korean empire, agad na naghanap ang gobyerno nito ng mapapangasawa ni Prince Shin, ang itinakdang prinsipe.
Mahal man niya ang balerinang si Bianca, kailangang sundin ni Prince Shin ang kasunduan at pakasalan ang ordinaryong high school girl na si Caitlyn.

May mabuo kayang pag-ibig sa pagitan ng isang cold na prinsipe at isang ordinaryong high school girl?
Abangan ang Princess Hours ngayong February 14, 5 p.m. sa GMA.
Samantala, tingnan ang top Korean entertainment stories noong 2021 sa gallery na ito: