What's on TV

Classic love team na Nova Villa at Freddie Webb mapapanood ngayong Linggo sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia
Published May 21, 2019 3:05 PM PHT
Updated May 21, 2019 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Subaybayan ang episode na pinamagatang “My Lola's Lover” kasama ang classic love team na sina Ms. Nova Villa at Freddie Webb sa 'Dear Uge,' ngayong Linggo 2:30 pm, pagkatapos ng 'Sunday PinaSaya.'

Meron bang age limit ang pag-ibig? Paano kung ang one true love mo ay 'yung first love mo na pilit bumabalik sa buhay mo?

Nova Villa at Freddie Webb
Nova Villa at Freddie Webb

Ang tanging hiling ni Leonora (Nova Villa) ay makahanap ng taong makakasama niya habang buhay. Sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Ligaya (Dexter Doria), nag-set up siya ng profile sa isang dating app. Ang 'di niya alam ay nag-match siya sa kaniyang ex-husband na si Esteban.

Dahil dito na-rekindle ang kanilang romantic relationship kahit na matagal na silang hiwalay. Pero ang kanilang anak na si Yoling ay tutol sa kanilang “love affair.”

Paano kaya maitatago ni Leonora ito sa kaniyang anak?

Subaybayan ang episode na pinamagatang “My Lola's Lover” kasama ang classic love team na sina Ms. Nova Villa at Freddie Webb sa Dear Uge, ngayong Linggo 2:30 pm, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.