
Naging emosyonal ang aktres na si Claudine Barretto sa Fast Talk with Boy Abunda nang mapag-usapan nila ng TV host na si Boy Abunda ang namayapa niyang ama na si Miguel Alvir Barretto.
“Do you miss him?” tanong ni Boy kay Claudine tungkol sa kaniyang ama.
Sandaling napatigil si Claudine at sinabing, “So much. I am who I am today because of my dad. You see I'm a daddy's girl.”
Ayon kay Claudine, hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang sakit ng pagkawala ng kaniyang ama.
“My greatest fear was losing my dad and up to now Boy, the truth is I've never really got to cry about losing my dad and I don't know why, I think it's my defense mechanism,” ani Claudine.
“Death never gets easier, actually it gets harder,” dagdag pa niya.
Sumang-ayon naman dito si Boy dahil ito rin ang kaniyang bitbit sa kaniyang dibdib simula nang pumanaw ang kaniyang ina.
“Ayokong mawala 'yung pain because it's my only connection to my mother,” ani Boy.
Dugtong naman ni Claudine, “Sometimes if you allow yourself to cry, you might lose it.”
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.