
Labis ang sakit na nararamdaman ngayon ni Claudine Barretto sa biglaang pagpanaw ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose, na itinuring na niyang ina.
Sa isang post sa Instagram, inalala ni Claudine ang ilan sa hindi niya malilimutang sandali kasama ang kanyang Nanay Jane.
"I'm in unbearable pain. Everything is painful. [You lived 11 houses down from my house. I will miss you coming up to my room, tulog ako tatabihan mo ako. [Kapag] nagising ako sasabihin mo anak na-miss ka lang ni Nanay. Nandito lang ako, tulog ka pa 'di ako aalis ng 'di kita napapatulog," sulat ng Lovers & Liars star.
Binalikan din ni Claudine kung paanong palaging naririyan para sa kanya si Jaclyn sa tuwing may mabigat siyang pinagdaraanan.
"[Kapag] may pinagdadaanan ako tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo. Didiretso ako sa room mo at tatabihan kita. Sabay sabi, 'Nay, pwede dito muna ako.' Yayakapin mo ako nang mahigpit. Kakantahan at patatahanin. Kinabukasan may mainit na sabaw iaakyat ni yaya ging sa 'kin," dagdag ng aktres.
Ipinarating din ng Optimum Star kung gaano kasakit para sa kanya ngayon na wala na ang kanyang Nanay Jane.
"Galit ako kasi [three] months na kita 'di dinadalaw. Ayoko mag-isa ka, nay, tulungan mo ako, [please]. I [love] you sobra, nay. Ang ilap ng tadhana para sa ating dalawa.
"Ang sakit sakit, nay. Miss na miss kita. I'm sorry 'di kita naramdaman gaya ng dati. Ikaw bilang nanay ko alam mo may mali nandito ka kaagad. Mahal na mahal kita, nay."
Nagkasama sina Claudine at Jaclyn sa drama series na Mula sa Puso noong 1997.
Pumanaw si Jaclyn Jose noong umaga ng March 2 sa edad na 60 dahil sa heart attack.
BASAHIN ANG ILAN PANG MENSAHE NG MGA NAGING ANAK-ANAKAN NI JACLYN JOSE SA SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO: