GMA Logo Claudine Barretto and Katrina Paula
PHOTO SOURCE: @claubarretto
What's Hot

Claudine Barretto, nagpasalamat kay Katrina Paula matapos nitong pabulaanan ang relasyon umano nina Rico Yan at Sabrina M

By Maine Aquino
Published July 15, 2023 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Claudine Barretto and Katrina Paula


Nagpasalamat si Claudine Barretto dahil sa statement ni Katrina Paula tungkol sa relasyon umano nina0 Rico Yan at Sabrina M.

Nag-post ng pasasalamat si Claudine Barretto sa former sexy star na si Katrina Paula dahil sa statement nito tungkol sa relasyon umano ni Sabrina M at ng namayapang aktor na si Rico Yan.

PHOTO SOURCE: @claubarretto

Sa interview ni Cristy Fermin kay Katrina, sinabi ng aktres na hindi nagkaroon ng relasyon sina Sabrina at Rico.

Saad ni Katrina, "Oo, nasabi niya sa akin yon, pero walang relasyon na matagal. Siguro nga nagkatikiman sila pero walang relasyon."

Sa pelikulang Loyalista ay magkatrabaho at nagkaharap sina Claudine at Katrina. Pagkatapos ng interview ni Katrina ay nag-post si Claudine ng appreciation post sa itinuturing niya ngayong "new friend/ sister."

Ani Claudine, "Appreciation post. I want to thank @realkatrinapaula for telling the TRUTH! Divine intervention gina ni God at Rico. I really found a new friend/sister."

Puno naman ng pasasalamat si Claudine dahil daw sa statement na iniwan ni Katrina sa interview.

"Thank you so much in behalf ng #rycbforever .im happy that this is a start of a new friendship & sisterhood sobra sobrang SALAMAT!🙏 for clearing the names of both RICO. #RYCB & #claudiniansforever. #claudinian"

Isang post na ibinahagi ni Margaret Barretto (@claubarretto)

Hiling ni Claudine sa mga followers niya na tinatawag niyang "palanggas" ay i-follow ang kaniyang bagong kaibigan at pasalamatan ito sa paglilinaw sa issue.

"@realkatrinapaula palanggas pls follow Katrina Paula sa IG @realkatrinapaula pasalamat tayo sa kay Katrina.pls thank her for standing up for Rico's name pati ako.my Palanggas mag pasalamat tayo."

SAMANTALA, KILALANIN SI SABRINA M DITO: