
Nakiramay si Claudine Barretto sa kanyang kaibigan at dating children's show batchmate na si Lindsay Custodio.
Pumanaw noong Lunes, November 19, ang asawa ng singer-actress na si dating Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II sa edad na 43 matapos atakihin sa puso habang nagmamaneho.
Pumunta si Claudine kasama ang aktres na si Nikka Valencia sa burol ng politician sa The Heritage Park sa Taguig City, at nagpaabot ng suporta para sa naiwan nitong pamilya.
"My heart is Broken & goes out to your family @lindsaycustodioplaton i luv u Linds & Julius & the kids.may God be with ur family always. Thank you @nikkamgarcia for bringing us all together," post ni Claudine sa Instagram.
Nakatakdang ilibing si Platon II sa Sabado, November 24.