
Alamin ang reaksiyon ni Claudine.
Nagbigay na ng statement ang estranged husband ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago patungkol sa diumanoy pananakit sa anak nilang si Santino.
MUST-READ: Claudine Barretto, galit na galit sa nanakit ng kanyang anak!
Ayon sa panayam ni Raymart sa isang entertainment website, sinabi niya na pinapalaki lamang daw ni Claudine ang pangyayari na nagsimula sa “away bata.”
Kuwento ni Raymart na nagkapikunan daw si Santino at kaniyang mga pinsan sa birthday party ni Randy Santiago (kapatid ni Raymart). Pinigilan daw ng kamag-anak ni Raymart si Santino nang kumuha ito ng kutsilyo at akmang mambabato.
Sunod-sunod naman ang naging post ni Claudine sa Instagram at hiniling na magsabi ng totoo si Raymart. Nabanggit din ng aktres sa kaniyang series of posts ang pagiging battered wife at hindi diumano pagbibigay ng sustento ng kaniyang estranged husband.
Pinabulaanan din ni Claudine ang naging pahayag ni Raymart na mambabato raw ng kutsilyo si Santino kaya raw ito pinigilan ng mga kamag-anak niya.