GMA Logo claudine barretto
What's on TV

Claudine Barretto, sinagot ang tanong kung bakit hindi na siya muling magpapakasal

By Jimboy Napoles
Published May 5, 2023 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

claudine barretto


Ano nga ba ang dahilan kung bakit ayaw nang magpakasal muli ni Claudine Barretto?

First time sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng seasoned actress na si Claudine Barretto ang dahilan kung bakit hindi na siya muling magpapakasal.

Sa kaniyang panayam kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda, naging totoo si Claudine nang tanungin siya ni Boy ng, “You will not marry again?”

“No,” mabilis na sagot ni Claudine.

Paliwanag niya, “I think I already gave my promise to my ex-husband and I think that's enough.”

Ayon kay Claudine, sapat na sa kaniya ang pagtuunan ng pansin ang kaniyang mga anak.

Aniya, “I mean I have my children, I have two sets - the big ones, the teenagers, and the little ones, I have a seven and four-year-old, and I have an eighteen and a fifteen-year-old so that alone takes so much of my time, my energy, strength so I will focus [on them].”

Matatandaan na taong 2013 nang maghiwalay sina Claudine at kaniyang dating asawa at aktor na si Raymart Santiago.

Samantala bukod dito, ibinahagi rin ni Claudine na maayos ang estado ng relasyon niya ngayon sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN NAMAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA CLAUDINE AT KANIYANG ANAK NA SI SABRINA SA GALLERY NA ITO: