What's Hot

Climate change, isa sa mga tinatalakay sa rom-com movie na 'Mia'

By Jansen Ramos
Published January 20, 2020 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
2 boys trapped in Zamboanga City creek rescued
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Edgar Allan Guzman, maraming matututunan sa rom-com movie na 'Mia' tungkol sa climate change.

Napapanahon ang release ng romantic comedy movie na 'Mia' dahil bukod sa love at healing, tinatalakay din dito ang climate change.

"Marami ring mapupulot na aral hindi lang sa pa-ibig kundi sa nature," wika ni Edgar Allan Guzman sa aming panayam sa isang block screening ng 'Mia' noong January 15.

IN PHOTOS: Edgar Allan Guzman, Coleen Garcia lead first "National Mia Day"

"I-ta-tackle din namin 'yung climate change. May mining industry so malalaman nila dito 'yun."

Paglilinaw ni EA, hindi direktang tinalakay sa pelikula ang pagputok ng bulkang Taal. Gayunpaman, naniniwala siyang maraming matutunan ang viewers dito lalo na sa usaping pangkalikasan.

IN PHOTOS: Derek Ramsay, Dingdong Dantes, Angel Locsin at iba pang celebrities na nagbigay tulong sa mga apektado ng Taal eruption

Dagdag niya, "Hindi naman totally tinackle 'yung tungkol sa Taal, 'yung pagputok ng bulkan. Pero I think naman may mapupulot 'yung mga manonood sa pelikula namin about nature, about weather, about climate change."

Ginagampanan ni Edgar Allan sa 'Mia' ang role ni Jay Policarpio, isang forester at mining expert na nagta-transform ng mined-out lands into rainforests. Ang Viva Films-produced movie ay kinunan sa Bataraza, isang municipalidad sa Palawan na kilala sa nickel mining.

Mapapanood sa Mia kung paano tutulungan ni Jay makabangon ang heartbroken at self-destructive alcoholic na si Mia, na ginagampanan ni Coleen Garcia.

WATCH: Edgar Allan Guzman, nailang sa kanyang 'Mia' co-star na si Coleen Garcia?

Bahagi ni EA, "It's rom-com pero kasi nasa dulo 'yung catch e and kailangan mo talagang tapusin 'yung pelikula para maintindihan mo 'yung buong kwento. Ang start ng movie is medyo napapatanong ka kung bakit ganoon 'yung nangyayari."

Sabi pa ng One of the Baes actor, "Maraming tatakbo sa utak mo pero 'pag natapos mo 'yung pelikula lahat ng tanong mo from first scene, masasagot ng last scene so 'yun, para sa 'kin, ang kakaiba dito sa pelikula namin: 'yung format o 'yung material."

Edgar Allan Guzman is a dreamy leading man in 'MIA' soundtrack