
Ganap nang Kapuso ang aktor at fitness model na si Clint Bondad matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center kahapon, Mayo 7.
Ayon kay Clint, “I am very grateful to GMA for allowing me to be part of its growing family. I take it as an honor to finally be called a Kapuso.”
Dumalo sa contract signing sina Assistant Vice President for Talent Imaging and Marketing Simoun S. Ferrer at ang co-manager ni Clint na si John Brilliantes.
Bago pa man maging pormal na Kapuso, napanood na rin si Clint sa ilang programa ng GMA tulad ng Unang Hirit at Sunday PinaSaya. Parte siya ngayon ng inaabangang romantic comedy series na Love You Two.
Ipinahayag ni Clint ang kanyang saya sa pormal na pagiging Kapuso. Aniya, isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang pumirma ay ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Network noong nag-uumpisa pa lang siya, “The atmosphere here in GMA is very light and happy, bagay sa personality ko. When people believe in you it's a big push and mas madaling mag-improve.”
Ibinahagi naman ni Ferrer ang kanyang kasiyahan sa pagiging parte ni Clint ng GMA Artist Center, “Clint has been a familiar face here. We've seen him on TV already and he is a promising actor with a lot of potential so we are excited na mas makita pa ano ang kaya niyang i-offer.”