
"You have to ask her about that."
Ito ang sagot ni Clint Bondad nang tanunging kung magkaibigan pa rin ba sila ng dati niyang kasintahan na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Dumalo si Clint sa black carpert premiere night ng pelikulang "Maledicto" nang may kasamang non-showbiz girl, ngunit iniwasan niyang sagutin kung sino ito.
"I don't know what you mean," mabilis na sagot ni Clint.
WATCH: Cast ng 'Maledicto,' full-force sa black carpet premiere night ng pelikula
Pinagbibidahan nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith ang "Maledicto" kasama sina Miles Ocampo, Eric Quizon, at Inah De Belen.
Alamin ang mga nangyari sa premiere night ng "Maledicto" sa report na ito: