
Showdown ng modern P-Pop talent at childhood nostalgia ang mapapanood sa pinakabagong episode ng Family Feud ngayong Lunes.
Ngayong August 3, masasaksihan ang tapatan ng P-Pop group na Cloud 7 at ng dating kiddie hosts ng hit children's show sa GMA na Tropang Potchi.
Ang Cloud 7 ay isa sa pinakabatang P-Pop boy groups sa bansa na kilala sa kanilang uplifting at youth-oriented music. Pangungunahan ng Cloud 7 ang kanilang main visual at 2023 P-Pop Awards Top Male Visual of the Year awardee na si Lukas Garcia. Makakasama niya ang group's main dancer na si Migz Diokno, ang youngest member na si Fian Guevara, at ang lead vocalist na si PJ Yago.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, ang Tropang Throwback ay binubuo ng mga dating kiddie hosts ng hit GMA children's show na umere mula 2009 hanggang 2015. Pangungunahan ang kanilang team ng dating child actress na si Sabrina Man. Ngayon ay isa na siyang Hong Kong-based commercial model, actress, brand ambassador, at English teacher.
Makakasama niya ang TV, movie, and theater actress na si Len-len Frial, ang dating child star ng Munting Heredera na si Kyle Ocampo, at ang Sparkle actress na si Lianne Valentin, na huling napanood sa seryeng Never Say Die.
Abangan ang kanilang exciting face-off sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 3, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na mula Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.