GMA Logo Cloud 7
PHOTO COURTESY: cloud7_ph, sparklegmaartistcenter (Instagram)
What's on TV

Cloud 7 reveals meaning behind their new single 'Bara-Bara'

By Dianne Mariano
Published June 16, 2025 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Cloud 7


Isang masayang performance ang hatid ng P-pop group na Cloud 7 sa 'It's Showtime' kamakailan.

Naghatid ng saya at good vibes sa madlang people ang youngest P-pop group na Cloud 7 sa It's Showtime nitong Martes (June 10).

Isang masayang performance ang hatid ng naturang group nang awitin nila ang kanilang bagong single na pinamagatang "Bara-Bara." Ipinamalas din ng Cloud 7 ang kanilang dance moves sa stage habang umaawit.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Matapos ang kanilang performance, tinanong ang grupo tungkol sa meaning ng kanilang group name.

"Dahil na-inspire po kami sa phrase na 'I'm on Cloud 9.' Dahil di ba, kapag nasa Cloud 9 po tayo, laging masaya lang, parang uplifting lang po and chill lang 'yung vibe. And 'yun po 'yung gusto naming maramdaman ng mga taong nanonood sa amin. Pero instead of Cloud 9, ginawa po naming Cloud 7 dahil seven po kami," paliwanag ni Kairo, ang lead dancer ng Cloud 7.

Tinanong naman ng host na si Jhong Hilario ang Cloud 7 kung ano ang ibig sabihin ng kanilang new single na "Bara-Bara."

Kwento ng leader ng grupo na si Lukas, "Ang ibig sabihin po ng Bara-Bara na kanta namin is actually ini-inspire po namin 'yung mga fans namin, na mga nakikinig ng music namin, na kung anumang talento ang meron kayo, dapat hindi n'yo ikinakahiya at dapat ipakita n'yo sa buong mundo."

Ang Cloud 7 ay binubuo ng pitong miyembro na sina Julijo Lukas Garcia, Prince Johann Nepomuceno, Kairo Lazarte, Egypt Larkin See, Miguel Gabriel Diokno, Prince Johan Yago, and Fian Andrei Guevarra.

Noong Mayo, opisyal na ipinakilala ng Sparkle ang youngest P-pop group.

RELATED GALLERY: Highlights: Cloud 7's official launch

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.