
Makikita mamaya si Barbie Forteza sa Kara Mia kaya naman all-out na agad ang suporta sa kanya ng kanyang 'Tween Hearts' co-stars na sina Bea Binene, Kristoffer Martin at Derrick Monasterio.
Puring-puri ni Bea sa galing nina Barbie at Mika Dela Cruz bilang aktres at excited na siyang mapanood ito bilang Kara.
"Si Barbie naman mahusay na aktres. Kahit ano'ng ibigay sa kanya, kaya niya talaga and happy ako sa support sa kanya ng mga tao," saad ni Bea sa pocket press conference ng Dragon Lady.
"With Mika rin kasi, yung word of mouth and yung memes na ginagawa, talagang parang nagiging sobrang interesting niya, sobrang magwa-wonder ka kung ano 'yon.
"I wish her the best and I know that kaya 'yon, mahusay yon, mahusay yon si Barbie at si Mika."
Para naman kay Kristoffer, lahat ng role ay kayang gampanan ni Barbie at wala siyang masabi sa galing nito sa pag-arte.
"Wala nang mahirap kay Barbie ngayon. Lahat tatanggapin niya, lahat kaya niyang i-pull off, lahat kaya niyang bigyan ng justice yung characters na binibigay sa kanya," ani Kristoffer.
Kuwento naman ni Derrick, "Actually, hindi yung acting prowess niya yung makikita natin doon kung hindi yung patience prowess niya kasi ang hirap ngang gawin, ang daming shots."
Dagdag niya, "So, mame-measure natin kung gaano siya ka-patient kasi sa acting wala tayong masasabi kasi magaling talaga si Barbie."
Abangan ang paglabas nina Barbie at Mika sa episode mamaya ng 'Kara Mia' pagkatapos ng 24 Oras.
Haharapin na nina Kara at Mia ang bagong simula na naghihintay para sa kanila.#KMBarbieMikaReveal#KaraMia pic.twitter.com/9dYlkyI6wX
-- GMA Drama (@GMADrama) Pebrero 28, 2019
Mapapanood naman sina Bea, Derrick at Kristoffer sa Dragon Lady, na magsisimula na sa March 4 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos Eat Bulaga.