
Muling hinangaan ang pagiging Dance Trend Master ni Coach Jay sa Stars on the Floor 2026.
Noong Linggo, March 14, na-inspire si Coach Jay na ipakita ang kaniyang husay sa breaking matapos itong i-perform nina Paul Salas at HORI7ON Jeromy.
Habang nagbibigay ng komento si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera tungkol sa duo, nabanggit ng head ng dance authority na ang breaking ang “first love” ni Coach Jay.
Napahiyaw naman sina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Paul, Jeromy, dance authorities, at maging ang Dance Universe nang paikutin ni Coach Jay ang kaniyang ulo sa sahig sa isang kahanga-hangang breaking move.
Itinanghal na fourth top dance star duo sina Paul at Jeromy noong March 14 episode.
Bihasa na sa breakdance at sa iba't ibang stunts si Coach Jay dahil siya ang former leader ng grupong XB Gensan. Si Coach Jay din ang choreographer ng P-pop group na SB19.
Abangan siya sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, mas kilalanin pa dito si Dance Trend Master Coach Jay: