
Tila naging homecoming at reunion ang nangyari kay dance authority at Dance Trend Master na si Coach Jay nang bumalik siya sa It's Showtime stage kasama ang kaniyang co-stars sa Stars on the Floor.
Naghatid ng good vibes at matinding performances si Coach Jay kasama ang dance stars na sina Glaiza De Castro, Faith Da Silva, Thea Astley, VXON Patrick, Kakai Almeda, JM Yrreverre, at Joshua Decena nitong Miyerkules, July 2.
Masayang sinalubong si Coach Jay ng kaniyang It's Showtime family sa kaniyang pagbabalik kung saan siya unang nadiskubre bilang isang mahusay na mananayaw at miyembro ng XB Gensan, ang dance crew na itinanghal na grand champion ng naturang variety show.
"Na-miss ko 'yung hangin dito," sabi ni Coach Jay.
Ibinida rin ni Coach Jay na proud ito sa kaniyang paglabas sa bagong dance show sa GMA.
"Sobrang proud po ako 'dun kasi bukod sa kasama ako 'dun, 'e magagaling na choreographer din yung nandoon. Isa na din dyan si Coach MJ na mako-collab ng ating dance stars kaya world class na sayawan talaga ang mapapanood ng lahat," pagmamalaki ni Coach Jay.
Makakasama ni Coach Jay sa dance authorities sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang.
Maliban sa pagiging bahagi ng grupong XB Gensan, si Coach Jay ay kilala rin bilang isa sa mga sikat na choreographer ng P-pop sensation na SB19.
Patuloy na abangan si Coach Jay sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Mas kilalanin pa si Coach Jay sa gallery na ito: