
Isa sa mga highlights ng solo concert ni Will Ashley ay ang nakakabilib na dance performance nila ng Dance Trend Master na si Coach Jay.
Sa Instagram, ibinahagi ni Coach Jay ang ilang photos at videos mula sa concert ng ex-PBB housemate.
Makikita sa video na nakipag-dance showdown si Coach Jay kay Will matapos nitong magkaroon ng solo dance performance kasama ang kanyang team na W3.
“Unforgettable night! Honored to be one of the [guests] at Will's concert!” isinulat niya sa caption.
Sa isa pang Instagram post, nagpasalamat naman si Will sa mga dumalong guests sa kanyang first solo concert.
“Thank you for saying yes to share meaningful and inspiring performances with me. Truly, you guys are an inspiration,” sabi niya kina Coach Jay at OPM singer Eliza Maturan.
Isa rin sa mga naging guests ni Will sina Bianca De Vera at Alden Richards.
Samantala, napanood si Coach Jay bilang isa sa dance authorities sa Stars on the Floor, na natapos noong Sabado, October 18.
RELATED GALLERY: Meet Coach Jay, the dance genius behind the moves of P-pop kings SB19