
Bago pa nakilala bilang isa sa mga Dance Authorities ng Stars On the Floor si Coach Jay Rocenvalles, nakilala muna siya bilang dancer at leader ng dance group na XB GenSan, at choreographer ng P-pop group na SB19.
Maituturing na isa sa mga sikat at kilalang P-Pop group sa Pilipinas, maging sa ibang bansa, ang grupong SB19 na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin. Bukod sa magandang original songs nila, kilala rin sila sa mga TikTok-worthy dance moves na binuo ni Coach Jay, sa tulong din ng SB19.
Sa pagbisita ni Coach Jay kasama ang kapwa niya Dance Authority na si Pokwang sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, October 13, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung gaano kagaling sa pagsayaw ang mga miyembro ng SB19.
Ayon sa naturang dance coach, may kaniya-kaniyang strength at identity ang bawat miyembro ng grupo, kaya mahirap para sa kaniya na sabihin kung sino ang pinakamalakas.
Pagbabahagi ni Coach Jay tungkol kay Stell, “Talagang ano siya, mas [vocals], madali din siya sa sayaw, madali din siyang maka-pick up ng steps kasi choreographer din si Stell.”
Masipag naman daw si Pablo sa pagsasasyaw at kita umano ang feelings nito kapag nagsasayaw.
“Si Ken naman 'yung swag niya, 'yung character niya,” ayon pa sa dance coah.
Paglalarawan naman ni Coach Jay kay Justin: “Para siyang light 'pag siya 'yung sumasayaw.”
Kitang-kita naman daw ang angas at lakas ng loob ni Josh kapag sumasayaw.
Sa “Fast Talk” segment, inamin ni Coach Jay na si Stell ang pinakamadaling turuan ng choreography, ngunit wala naman siyang nabanggit kung sino ang pinakamahirap turuan.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI COACH JAY SA GALLERY NA ITO: